Kabanata 20

23 0 0
                                    


(Kabanata 20)

"Don't try to get which is not yours, but don't dare to lose which is yours."

°°°

Treena Laudine

"Hindi ko na talaga yun pwedeng ulitin, dahil bukod sa maling mali ang manakit ng babae. Ay may isang tao din ang nangbanta sa buhay ko nung saktan kita." Mariing paliwanag sa'kin ni Jansen Sandy.

Bahagya akong nagulat lalo na doon sa huli niyang sinabi. Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Huh? At sino naman?" Curious ko talagang tanong.

Ngumiti siya sa'kin, at hindi ko alam kung para saan ang ngiting yun.

"It was Ziegfritz Taller." Pormal niyang tugon, ngunit naging abnormal ang reaksyon ng puso ko.

Sa hindi malamang dahilan, ay parang lumundag ang puso ko sa tuwa, dahil sa katotohanan.. na ang lalaking ito, ay ganun na lang kung mag-alala sa'kin.

Palihim akong napangiti, ngunit agad na sinuway ang sarili upang hindi mag-isip nang kung ano ang kasalukuyang taong kaharap.

"At bakit ka naman babantaan ng lalaking yun? Tsk!" Kunwa'y inis na wika ko. Ngunit sa aking labi ay may paunti unting ngiti pa rin na sumisilay.

Kumibit siya ng balikat. "Hindi ko alam.. siguro kasi, ganun siya kung mag-alala sayo kaya ang masaktan ka ay hindi niya kayang makita." Kaswal niya lang naman yun na sinabi, ngunit kung maka'react ang puso ko ay dinaig pa ang nanalo sa lotto. Huhu!

***

"MS. RUISSE, where's your guardian?" Muling tanong sa akin ng aming babaeng guidance counselor na may katandaan na, at the same time ay isang Psychology teacher.

"Ah.." naiusal ko. Umawang ang labi ko, ngunit muling nagsara sa kawalan ng masasabi.

Sinulyapan ko isa-isa ang mga taong kasalukuyan kong kasama. Ang mga taong sangkot sa pangyayari kahapon. Alaine Chesny Rottwiel, Edelweiss Hupkin, Czel Jekyll Masgosa, Jansen Sandy Eliona at ang kani-kanilang mga magulang.

Ako lang ang mag-isa.. at walang kasamang magulang. Maliban sa amin, ay kasama rin namin ang principal at pare-parehong adviser.

Iisa lang ang reaksyon na nakikita ko sa kanilang mga mukha, at 'yun ay pagkainip.

Panay ang sulyap sa kani-kanilang relo o di kaya'y sa malaking wall clock na nakasabit sa dingding ang ilan sa kanila.

Ang iba nama'y, napapapikit na lamang ang mga mata habang nakasandal ang mga likod sa backrest ng inuupuang silya. Habang meron ding, inaabala ang kani-kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpipindot sa cellphone at pakikipag-usap sa katabi. Tila, para mawaksi ang nararamdamang pagkabagot sa kanina pang paghihintay.

"Ah, mam.. pwede naman na po tayong mag'start siguro, kahit wala ang parents ko. Kasi po, baka hindi sila makarating.. dahil sa.. sa.. busy." Kabadong wika ko, habang paputol putol iyong binigkas.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon