Kabanata 2

15 2 0
                                    

(Kabanata 2)

"True Friends, say good things behind your back. And bad things behind your face!"

°°°

Treena


KASALUKUYAN akong nasa labas ng aming tahanan, panay ang punas ng mga luha sa magkabila kong pisngi dahil sa hindi maawat na pagpatak ng aking mga luha. Nakaindian sit lang ako at nakaharap sa isang malaking kahoy. Kanina ko pa nga kinakausap itong punong nasa harapan ko, sa kanya ko inilalabas ang mga hinanakit ko kay nanay.

Kagabi pa ako iyak nang iyak. Simula nung padabog na umalis si nanay sa harapan ko ay doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Tumigil lang nung makatulog ako, at ngayon ay hindi ko na naman mapigilan ang pagtulo nito.

"Masama bang mangarap? Hindi ko lang naman ito gagawin para sa aking sarili, kung 'di para rin kay nanay.. para sa aming dalawa.. ayokong habang-buhay, ay dito lamang kaming dalawa nakatira.. gusto ko ring maranasan ang magkaroon ng buhay sa labas ng kagubatang ito, gusto kong kahit papaano ay guminhawa ang buhay namin ni nanay.. marami akong pangarap para sa aming dalawa, ngunit bakit pakiramdam ko.. ay hinahadlangan iyon ni nanay? Bakit pakiramdam ko, parang ayaw niyang mamuhay ako ng normal kasama ang mga kaedaran ko sa labas ng kagubatang ito? Ayaw ba niya akong maging masaya? Ayaw niya ba akong makita na balang araw eh, maging successful ang buhay ko? Huhuh! (T_T )" Makailang ulit ko na namang pinupunasan ang aking magkabilang pisngi gamit ang mga palad kong ni hindi na naman maawat ang mga luha sa pag uunahang pagbagsak.

Para na ako ditong timang, dahil sa ginagawa kong pagkausap sa punong nasa harapan ko. Pero wala akong ibang pwedeng mapagsabihan ng sama ng loob ko sa mga oras na ito.. dahil ang kaisa-isang taong kakampi ko, ay sa mga oras na ito.. ay siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako.

"Treena, pumasok ka na sa loob. Hindi ka pa nag aalmusal." Narinig kong maawtoridad na utos ni nanay.

Natahimik ako ng ilang segundo. At nakailang beses ko na namang pinunasan ang magkabilang pisngi at paulit ulit ang binitawang malalalim na paghinga bago tinahak ang daan papasok ng aming bahay.

"Sino ang sinasabi mong kaibigan na tutulong sayo upang makabalik ka sa iyong pag-aaral?" Maya-mayang dinig kong malumanay ang boses na tanong sa akin ni nanay sa kalagitnaan ng aming pag-aalmusal.

Napatigil ako sa akmang gagawing pagsubo at napayuko sa tapat ng aking plato.

"Dahlia Janae Rovira po ang kanyang kabuuang pangalan, nay." Sagot ko sa mahinang boses, bagaman ay sinigurong iyon ay maririnig niya.

"Mabait ba 'yang tinutukoy mong bagong kaibigan? Baka naman, katulad lang 'yan nung dati mong mga tinuring na kaibigan. Na sa simula lamang mabait pero sa huli ay may mga itinatago palang masasamang ugali."

Napabuntong-hininga ako at mataman siyang tinitigan sa kanyang mga mata.

"Mabait po siya nay... at sigurado po akong hindi siya katulad sa ugali nung mga dati kong naging kaibigan." siguradong sigurado na sagot ko at sinsero ang boses na pagtatanggol ko sa bago kong nakilalang kaibigan.

TREENA (A Girl From Forest) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon