(Kabanata 6)"To Be Beautiful, Means To Be Yourself. You Don't Need To Be Accepted By Others. You Need To Accept Yourself."
°°°
Treena Laudine
"SI Ziegfritz at Jansen Sandy, nagsusuntokan!!!" hinihingal na sigaw nung isa kong kaklaseng babae na iniharang ang sarili sa pinto habang inihawak ang mga kamay sa magkabilang gilid no'n.
Mabilis pa sa alas kwatro na nagsitakbuhan ang aking mga kaklase, habang ang ibang mga babae ay nagtititili at sumisigaw pa. At yung ibang mga lalaki naman ay napamura.
May mga naghilahan at nagtulakan pa nung nagsipagsiksikan sa may pinto. Habang ako ay napatanga lamang dahil sa kawalan ng ideya sa mga nangyayari.
Naramdaman ko na lamang ang ginawang paghila sa akin ni Dahlia, wala na akong nagawa kung 'di ang magpatianod na lamang habang labis pa ring ipinagtataka ang mga nangyayari sa paligid.
Si Zieg? Nakikipagsuntokan? Ang lalaking tahimik na iyon kapag nasa room ay mababalitaan ko na lamang na nakikipagsuntokan pala? At bakit? Anong dahilan? Bakit sila nagsusuntokan, na samantalang nasa loob sila ng campus? At sinong Jansen Sandy?
Hindi ko namalayang nasa lugar na pala kami ng pinangyayarihan, kung saan nasa pinakadulo at likurang bahaging parte ng aming eskwelahan.
Grabe, napakadaming estudyanteng nagkukumpulan. Halos lahat din ay sumisigaw, iyong iba ay naririnig ko pang isinisigaw 'yung dalawang pangalan nung taong nag-aaway, at may mga estudyante ring nangbubuyo sa kanila.
Nung tuluyan na kaming nakasingit at napuntang unahan, tsaka pa lang may mga lalaking estudyante na umawat sa kanilang dalawa. Parehong sabog ang ang mga itsura, putok ang parehong mukha at labi. Parehong hingal na hingal habang nagpapalitan ng masamang titigan.
Madungis ang parehong suot na white t-shirt na damit.
Pareho pa silang nagpupumiglas, ngunit dahil sa maraming mga kamay ang nakahawak sa kanilang dalawa, ay hindi sila nakakawala.
"How many times do I have to tell you, na tigilan mo na ang paglapit kay Chesny! Ha!? Nananadya ka ba talaga, ha!?" nanggagalaiting wika nung Jansen Sandy sa pagitan ng kanyang pagpupumiglas.
"And who do you think you are, para diktahan ako sa kung anuman ang gusto kong gawin!? Lalapitan ko siya, at kung gusto ko man siyang kausapin, ay wala ka na dung pakialam!!" Bwelta naman ni Zieg, mukhang hindi magpapatalo ang isang toh.
At dahil dun sa mga salitang binitawan ni Zieg ay mas lalong nagalit at nagpumiglas iyong Sandy, iyong mga lalaking pumipigil sa kanya ay pinagsasasaktan niya na rin at pinagtatadyakan sa mga paa.
Ngunit kahit anong gawin niyang pagpupumilit na makawala sa mga kamay na nakahawak sa kanya, ay wala siyang ibang magawa kung 'di ang magsisisigaw sa sobrang pagkapikon at galit. "Gago ka talaga, Ziegfritz!!"
Ang kaninang naguguluhang pag-iisip, ay ngayon unti unti nang nagkakaroon ng kasagutan.
Babae? nag-aaway silang dalawa dahil lang sa isang babae?
BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Tienerfictie"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...