(Kabanata 18)"Sometimes.. we create our own heartbreaks, because of too much expectations."
°°°
Alaine Chesny
"FOR the past two years, ang buong akala ko ay alam mo ang totoong dahilan ko kung bakit kita piniling bitawan. " May bumalatay na lungkot sa mga mata ni Zieg. Pormal lang ang kanyang mukha, ngunit pakiwari ko'y nababahiran ng iba't ibang emosyon ang kanyang mga mata.
Nangunot ang noo ko at tinitigan ko siya sa naguguluhang paraan.
"What do you mean by that, Zieg?" Nalilito kong tanong, at ang garalgal sa aking tinig, ay nandun pa din.
Minuto ang binilang bago muling bumuka ang kanyang bibig.
"Break up is not only the answer, but that's the only plan I can think of, lalong lalo na nung makita kitang may kasamang iba." He said in pained voice. Panandalian siyang yumuko, at nung muling tumitig sa akin, his eyes filled with so much pain.
"At masaya ka sa piling niya." He added sa nahihirapang tono."Zieg.." nasasaktan, habang umiiling na saad ko. "You know, that you are the only reason why my heart beats so fast, you are the only reason why my day becomes brighter and meaningful. You are my everything, Zieg. You are the only guy that I've been longing for, and you are the only guy that I will love until my last breath." Madamdamin akong tumitig sa kanya, at kasabay nun ay ang muling pagbuhos ng kanina ko pa pinipigilang mga luha.
He fake his smile. "If that's the case, then how come that you chose to cheat on me instead of fighting your love for me?"
Umiling-iling ako. "No.. I would never do that to you, Zieg. Hindi kita kayang loko—"
"But you already did it, Chesny! I saw it with my own eyes! Kaya 'wag kanang mag'deny, dahil dapat.. yun yung mga panahong pinaglalaban pa natin ang relasyon nating dalawa eh. Pero hindi eh, kasi.. sa ating dalawa, hindi ko alam na ako na lang pala ang lumalabang mag-isa." Mas lalong nadurog ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.
Hindi ko na alam ang sasabihin at gagawin ko, tanging paghagulhol na lang ang nagagawa ko sa mga oras na ito.
All these years, ang buong akala ko ay hindi niya ako pinaglaban. Ang buong akala ko ay isa siyang duwag at walang paninindigan. Pero hindi ko lubos maisip na nakita niya pala ang lahat ng yun, na alam niya pala ang lahat ng ginawa kong yun.
Napakatanga ko. Napakasama ko sa kanya. Nagawa kong ilipat ang atensiyon ko sa iba, habang siya.. ay walang ibang ginawa, kundi ang mahalin ako ng totoo.
Punong puno ng pagsisisi ang damdamin ko. Wala ng mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ko.
"I'm so sorry Zieg. I'm really really sorry." Paulit ulit na paghingi ng tawad sa pagitan ng paghikbi ang tanging magagawa ko sa mga oras na ito.
"You know what, Chesny. Seeing you unhappy with me makes me sad. But seeing you happy with someone else makes me happy outside but killing me inside." Binigkas niya yun sa paraang mas lalo kong mararamdaman ang sakit at pagsisisi.

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Fiksi Remaja"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...