(Kabanata 5)"The best things in life, are not things.. it's the people who make you feel loved and cared for."
°°°
Alaine Chesny
HERE I am again, sa pinakaboring na parte ng buhay estudyante ko.. ang makinig sa paglelecture ng teacher sa unahan.
At dahil sa pagkabagot at kawalan ng gana sa pakikinig ng mga sinasabi ng matandang babaeng guro sa harap ng klase ay hindi ko maiwasan ang hindi mapairap.
"Matagal pa ba 'yan?" dinig kong mahinang pagrereklamo ng katabi kong si Edelweiss.. "Ni wala nga akong naiintindihan sa mga sinasabi niya, basa lang nang basa.. hindi naman nage'explain." matulis ang ngusong muling pagrereklamo niya habang kumakamot pa sa ulo sa sobrang pagkainis at pagkabagot.
"Makinig ka na nga lang Edel, baka mamaya magpa'recite pa 'yan, tapos wala ka na namang maisasagot." suway dito ng katabing si Czel jekyll. Tanging pag ismid na lang ang ginawa ni Edelweiss sa katabi.
Pinalobo ko na lang muli ang bubble gum sa aking bibig at pilit na itinuon ang atensyon sa sinasabi ng guro sa unahan, ngunit wala.. wala ni isa mang pumapasok sa aking isipan.
"Alaine Chesny Rottwiel." dinig kong pagtawag sa pangalan ko ng matandang guro.
May hawak siyang attendance paper sa isang kamay, doon tumitingin ang matandang iyon kapag magpapa'recitation siya.
At kapag minamalas ka nga naman, mukhang pangalan ko pa ang natipuhan ng matandang hukluban na ito.
Inilibot pa nito ang paningin, mukhang hinahanap kung sino iyong estudyanteng tinawag niya. At dahil sa istrikto at masungit ang gurong ito, ay tumayo na ako upang 'wag mapagalitan at hindi mabigyan ng mababang grade sa recitation.
"Okay, based on our lecture for today.. give me the 5 kinds of government."
"Aba malay ko dyan, tsh!" nakahalukipkip na bulong ko habang pasiring na inalis sa kanya ang aking paningin.
"Ms. Rottwiel, what is your answer on my question?" puno ng kaistriktuhang tanong sa akin nung matandang guro.
Pinaikot ko muna ang eyeballs ko bago muling tumingin sa kulubot na mukha ng guro.
Bahagya ng nakaangat ang mukha nito na para bang naghihintay sa sagot ko, habang may nakaguhit na kaunting inis roon.
Tsh! 'kala mo naman, maganda ang mukha, ang sakit lang naman sa matang tingnan. Pang'dora iyong buhok na kulay itim, na halatang nagblack shampoo para matakpan ang mga uban niya. Maliit na may kapayatan at medyo kuba na iyong likod.
Nginuya nguya ko muna iyong bubble gum na nasa bibig ko, at muling pinalobo bago ibinalot sa plastik na pinagsupotan nung bubble gum, tsaka isinilid sa bulsa ng pang itaas kong suot na uniporme.
"I don't know the answer, mam." I said in a calm voice.
Naiinsulto niya akong tiningnan, "As I expected Ms. Rottwiel, wala ka na namang isasagot dahil hindi ka naman nakikinig sa lecture natin di ba? And, ni hindi ka man lang nga 'ata nagte'take notes ng mga sinasabi ko rito sa unahan. Am I Right?" sarkastikong boses nung gurang. Aba! Aba! Pinapahiya 'ata ako ng Dora the explorer na toh, kinakalaban ba ako nito?

BINABASA MO ANG
TREENA (A Girl From Forest) ON GOING
Ficção Adolescente"I'm afraid to fall in love again, not because I lose my capability to love, but because.. I always end up of getting hurt."-Ziegfritz Taller, isang lalaki na bitter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung ang takot na kanyang nararamdaman na muli...