Sa aking pinakamamahal na lalaki
Muli mo nanamang pinintahan ng ngiti ang aking mga labi
Binuhay mo ang aking pusong nalulong sa lungkot
Binigyan ng kulay ang aking buhay na puno ng pootAraw na ito'y hinding hindi ko malilimutan
Nang sinabi mong ako'y iyong pakakasalan
Mahirap man itong panindigan at paniwalaan
Ngunit ito'y matutupad dahil ika'y aking pinagkakatiwalaanMamahalin kita hanggang sa dulo
Hanggang sa mga luha'y tumigil na sa pagtulo
Kahit man ang mundong ito'y tuluyan ng gumuho
Pag-ibig ko sayo'y di kailanman maglalahoNais ko lamang mahal ko na iyong mabatid
Ang pagmamahal ko sayo'y tunay kong hatid
Walang halong ibang intensyon
Maliban sa mahalin ka sa habang panahonIniahon mo ako sa kalungkutan
Nangakong kailan ma'y hindi ako iiwanan
Sa tuwing naalala ang ating mga pinagsamahan
Buo na ang aking loob na mahalin kang lubusanTanging hiling ko lamang ay sana'y wag mong pagsisihan
Ang pagmamahal mo sa akin mula't simula hanggang hulihan
Sana'y hindi na mag-iba
Tinginan nating dalawaSa mundong ito
Sa mahigit bilyon bilyong mga tao
Ang tunay na ipinagtagpo
Ay tayong dalawa magpa hanggang dulo
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...