Simbolo

0 0 0
                                    

Nagpakita ng isang simbolo
Tatlong tuldok
Sinundan ng tatlong gitling
At muling sinundan ng tatlong tuldok

Nag iwan ng katanungan sa inyong isipan
Kung ano nga ba ang nais kong ilarawan

Bakit hindi kaya natin simulan sa umpisa
Kung saan nagbago ang lahat
At kasiyahan ay lumipas na
At itoy pinalitan ng kalungkutang dinarama

Isang kasinungalingan ang aking pinakawalan
Sa takot na baka'y inyo akong iwan
Hindi magawang sabihin ang katotohanan
Na ako'y unti-unti nang nawawala sa katinuan

Sinundan ng pangalawang kasinungalingan
Hanggang sa hindi ko na namalayan
Katotohana'y itinulak ko sa kulungan
Sa takot na baka ako'y inyong talikuran

Ngunit, ng uto'y iyong nalaman
Nagbago na ang mundong aking ginagalawan
Ang takot na iyon ay unti-unting nag bunga
Nasundan ng aninong lumaki at nagsanga sanga

Hindi ko na alam ang aking gagawin
Nag tatago sa dilim
Nagtatago sa mundong mapanghusga
Sa inyong mga mata
Na wala ng ginawa kundi mang akusa
Na hindi man lamang dininig ang aking dahilan
Kung bakit nagawa ang kamalian

Hindi maipinta ang takot na naramdaman
Sapagkat nagsimula ng magparamdam ang mga kalaban

Kada kaba
Kada pikit ng mga mata
Kada pilit na itulog ang sakit at pangamba

Naririnig ko sila
Nagbubulungan na tila ba'y gusto nilang aking mapakinggan

Kanilang pang iinis
Kanilang pang aakit
Na sumama na sa dilim

Wag ng kumawala
Wag ng damhin ang liwanag
Sapagkat ako'y nasasaktan na

Nasasaktan na sa mga taong hindi man lang magawang akoy intindihin
Nalunod sa mga pagsisinungaling
At di man lang nagawang ako'y tanungin
Kung kaya ko pa ba harapin
Ang kadiliman nitong damdamin

Hindi ko na kayang makisalamuha sa inyo
Sa mga taong aking tinatawag na kaibigan
Sapagkat hindi ako mapalagay
Tila ba'y nasa mali akong kalagayan

Hindi nababagay
Hindi pwedeng makisalamuha sa inyo
Sapagkat kayo ay iba sa ako
At ako ay iba sa inyo

Pinipilit nalang na magising
Kahit gusto ng matulog ng mahimbing
Matulog ng matulog at huwag ng gigising
Sapagkat may katotohanan ang inyong sinasabi
Na mali ang mag tiwala sa akin

Napakasakit isipin na mahirap ipaintindi sa iba
Na sa bawat kasinungalingan ay may tinatagong takot
Ang takot na hindi tungkol sa pagtitiwala sa iba
Kundi ang takot ng pagtitiwala sa sarili
Kasi baka kayo'y matangay at masama
Sa kahimbikhimbik na kadiliman
Na aking kinakatayuan

At tuluyan niyo na nga akong sinukuan
Sapagkat hindi ninyo naintindihan
Ang rason kung bakit nakagawa ng kamalian
At ang dahilan ng pagluha na hindi mapigilan

At sa huli
Ako'y inyong iniwan

Nag hihirap
Nawawala
At unti-unti ng sumusuko
At dahil sa pagsubok
Ako'y hindi na nakatayo
At tuluyan na ngang kumawala

Kumawala sa pagkakahawak sa mumunting lubid
Tuluyan ng tinapos ang paghihirap
At ng ako'y magising
Ang tanging nasabi ko na lamang ay

"Huwag naman sana"

Ang panaginip na iyon
Naging mitsa ng tunay ba kalungkutan
Sapagkat aking napanaginipan
Sarili'y nakabitay na lamang

At ng ako'y magising
Ang tanging nasabi ko na lamang ay

"Huwag naman sana"

Ngayon, andito pa rin sila
Nag bubulungan
Magkabilaan
Sinasabing sumuko na sa aking buhay
Sumama sa kanila ng matiwasay
Sa aming pupuntahan
Ako'y hindi na muling mahihirapan
Makakamit ang aking inaasam na kaligayahan

Iiwan ko ulit ang aking mumunting mensahe
Ang mensaheng nais kong iparating sainyo
Ito ang lubos na kailangan ko

Tatlong tuldok
Tatlong gitling
Tatlong tuldok

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon