Kahit ilang unos ang darating
Palaging tatandaan na ito'y lilipas din
Kahit anong problema ang pagdaraanan
Palaging tandaan na ito'y masosolusyonanHindi sa lahat ng pagkakataon tayo'y nasa itaas
Pakatandaan na minsa'y kailangan nating kumalas
Paano matututo kung hindi magkakamali
Madarapa ngunit babangong muliMadaraanan ang lungkot at kapighatian
Mga problema'y mahihirapang pagdesisyonan
Malalagay sa alanganin ang katayuan
Ngunit sa huli, ito'y malalampasanMasasaktan man mga puso at damdamin
Lunas nito'y mahahanap din
Magpatuloy lang sa daan patungo sa mga pangarap
Palaging tatandaan ang Maykapal hanggang sa hinaharapHindi man natin alam kung ano ang nakalaan sa atin
Wag panghinaan ng loob at ito'y kayanin
Manatiling ikaw at wag na wag sumuko
Huwag maging isang pangakong sa huli'y napapako
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...