Dilim

0 0 0
                                    

Habang ako'y nakatingin sa labas ng bintana
Tila ba'y mga bagay di ko na maalintana
Nagbabago ang simoy ng hangin
Pati mga ibon, nawalan na ng awitin

Sa unang pagpatak ng ulan
Di ko pa alintana ang aking nararamdaman
Hanggang sa tuluyan na itong bumuhos
Mga luha'y tuluyan ng umagos

Di ko alam kung paano lalabanan
Kalungkutang dumating ng di inaasahan
Biglang nawala ang kasiyahan
Na natamasa ko ng panandalian

Kasiyahan nga'y di pwedeng magtagal
Maglalaho nalang ng mabagal
Kagaya ng isang larawan
Na kumukupas at pinagsasawaan

Di ko na namalayan
Kalungkuta'y unti unti na akong pinapalibutan
Nawawalan na ako ng pagasa
Mabuhay sa mundong dati'y aking pagnanasa

Para saan pa ang kaligayahan
Kung kalungkuta'y dumadating ng biglaan
Para saan pa ang aking paglaban
Kung kadilima'y nagpaparamdam rin lang

Sa kada kaligayahang aking nakakamtan
Napapalitan ito ng kalungkutan
Sa kada kaliwanagang aking nahahagkan
Napapalitan ito ng kadiliman

Nabuhay sa takot at galit
Piniling magtago sa dilim kahit masakit
Di ko na binalak na ito'y takbuhan
Pagkat alam kong ako ri'y kanyang maaabutan

Pinikit ang aking mga mata
Sa paghahangad na liwanag aking makita
Sa pagdilat ko aking nasilayan
Nakikita ko ay tanging kadiliman

Sa pagbalot nito sa aking buhay
Akin ng unti unting naiintindihan ng sabay
Pinaniniwalaan ko na ng tunay
Na ang Diyos ay di na sa akin nakaalalay

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon