Huwag sumuko

1 0 0
                                    

Sa mga hamong ipinagkaloob sayo
Manatiling matapang at nakatayo
Hangga't kaya pa, manatiling matatag
Huwag padadaig sa mga pagsubok na ilalatag

Ang pagkadapa at pagkatalo ay parte ng buhay
Huwag matatakot dito, sa halip, bigyan itong saysay
Gawing makabuluhan ang bawat pagkadapa
Tandaan, lahat ay nagsisimula sa baba

Kung ang hinahanap mo ay puro kasiyahan
Sa huli'y wala ka ring matututunan
Ang bawat kalungkutang dumadaan ay may puwang
Ituturo nito sayo kung ano ang iyong pagkukulang

Huwag maiinis sa iyong pagkukulang na malalaman
Pakatandaan na maaari mo itong gampanan
Tumayo ka muli at huwag magpapatalo
Sapagkat panibagong hamon ay mas mahirap pa lalo

Kapag ika'y bumagsak at muling nalagay sa baba
Isipin mo lamang ang tanong na "Bakit nga ba?"
Bakit ka nga ba bumagsak mula sa tuktok na iyong narating
Maaaring ika'y nagkulang at patuloy na nagkukulang pa rin

Ang mga pagkukulang ay maaaring mapunan
Paano mo nga ba makokompleto ang isang obra kapag hindi pinagpaguran
Subukan mong alamin kung ano pa ang maaaring gawin
Huwag tumulala sa hangin at hayaang ika'y liparin

Ang buhay ay kagaya ng isang orasan
Patuloy lang sa pag-ikot ng walang kapaguran
Ngunit minsa'y tumitigil dahil may problema
Ngunit iikot muli ito at gagana kapag ito'y itinama

Subalit ang orasan ay hindi iikot ng panghabang-buhay
Masisira rin ito at hindi na muling mabubuhay
Kagaya rin natin na ang buhay ay magtatapos
Kaya gawin itong makabuluhan habang hindi pa kinakapos

Sa mundong ating ginagalawan
Sa ating buhay, problema'y hindi maiiwaksi ng tuluyan
Matutong alamin ang tunay na kadahilanan
Kung bakit ang problema'y ginawa at ika'y pinahihirapan

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon