Para sa aking minamahal na tao
Maraming salamat at paalam sayo
Pagkat ako'y lilisan na sa mundong ito
Hindi ko na makikita ang pagmamahal mong totooHindi ko man masilayan ang iyong mga ngiti
Hindi man kita madadamayan sa bawat pighati
Hindi man tayo magkasama hanggang sa pagtanda
Palagi mong tatandaan na ika'y nasa puso ko at wala ng ibaPasensya ka na mahal at ika'y aking nabigo
Mga pangako ko sayo'y tuluyan ng napako
Pagkat hindi ko na kaya ang hirap na ito
Kailangan ko ng magpahinga at magpaalam sa iyoSakit ko'y hindi ko na matiis
Di ko na masisilayan ang ngiti mong matatamis
Pasensya ka na mahal at ako'y tuluyan ng sumuko
Basta manatili ka sanang malakas at wag magpapalokoSa huling sandali na ika'y makakasama
Nais ko lamang na manatili ka sa gilid ng aking kama
Wag mong bibitawan ang aking mga kamay
At baka ako'y unti unti ng mawalan ng malaySalamat sa sayang iyong ibinigay
Salamat sa masasayang araw na iyong inialay
Para lamang ako'y ngumiti at lumigaya
Habang may oras pang natitiraMahal ko pag ako na'y pumanaw
Wag ka sanang iiyak o mag palahaw
Pagkat ako'y di maglalahong tuluyan
Mananatili sa iyong puso't isipan
Magpakailan pa manMahal patawad at ika'y akin ng iiwan
Pagkat di ko na kayang manatiling lumaban
Hirap na hirap na ang aking puso't isipan
Di ko na ito matiis ng matagalanMahal wag mo sanang isipin na ika'y di karapat dapat
Sadyang di ko na kayang magtiis at maging tapat
Di ko sinasadyang ika'y masaktan at maiwang luhaan
Subalit sa buhay, may darating at lilisanSana'y makahanap ka na ng taong sayo'y mas makakapagpaligaya
Alam kong mahirap at di mo na mararamdaman ang dating saya
Ngunit mahal, gawin mo sana ito para sa akin
Mahal, ako na ay magpapaalam sayi at sa atinSasama na ako sa ating Panginoon
Matitigil na rin ang aking paghihirap doon
Maging masaya ka sana sa abot ng iyong makakaya
Kahit wala na ako at ngayo'y sa iyo'y magpaparaya
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...