Kung ako ma'y di mapili
Ng tandahang hindi mawari
Kung sinong magiging kabiyak ng buhay
Nitong taong salat sa buhaySa mundong hindi tumitigil sa pag ikot
Mga pangako'y di rin malilimot
Pagkat ito na ay mananatili sa isipan
At hinding hindi maglalaho kailan pamanAking natatanaw sa isipan
Larawan ng isang lalaking kagwapuhan
Di na matanggal sa aking mga alaala
Pagkat siya'y mahal ko na palaDi ko maipaliwanag ang bugso ng damdamin
Tila ba'y tumatakbong nagtutumulin
Pusong di mahinto ang pagkabog ng matindi
Larawan mo palang ako'y nahuhumaliMundo ngang ito'y mapagbigay
Ako'y pinagpala at ika'y sa akin ang inalay
Pangakong di ka na pakakawalan habang buhay
Kahit ako pa man ay makitang nakaratayDi ka na pakakawalan kailan man
Pagkat ika'y bumuo sa aking katauhan
Kahit man ang mundong ito'y mapanlinlang
Ika'y pipiliin ko hanggang sa hulihanHiling ko lamang sa mundong ito
Pag-iibigab nating dalawa'y di na mahinto
Ginintuang oras ang nakalaan para sa atin
Wag utong sayangin at tipirinMinsan lang tayo makakakilala
Ng taong magbibigay sa atin ng masasayang alaala
Wag na itong pakawalan kahit nahihirapan
Pagkat maswerte ka at ika'y kanyang napuntahan
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...