Paulit-ulit na dumarating
Tila ba'y nawawalan ako ng hangarin
Mga pangarap ko'y unti unti niyang inaalis
Kadilimang kinakatakutan kong labisSa tuwing ako'y liligaya
Panandalian lamang itong biyaya
Biglang napapalitan ng kalungkutan
Nitong emosyong mapanlinlangKung ako ang iyong tatanungin
Matagal na sana akong tumigil na ito'y harapin
Pagkat puro paghihirap lang ang kanyang dala
Sana nama'y tumigil ka na, pwede ba?Kaligayahan lamang ang gusto kong maramdaman
Ngunit ito'y pinagkakaila sa akin nitong problemang samahan
Kahit minsan lang sana'y itong maramdaman
Nang sa ganoo'y makalimutan ko ang mga problema ng panandalianMahirap ba itong matupad
O sadyang ako'y hindi karapat dapat
Dapat bang palagi ko nalang nararamdaman
Mga problemang sumasaksak sa aking likuranTatalikuran na ba ang aking buhay
Aking mga kaibigan, iwawaksi na bang tuluyan
Magpapakalulong nalang ba ako sa kadiliman
O sasama sa aking inaasam na kaligayahanLitong lito na ang aking isipan
Di makapag isip kung ano ang papanigan
Mananatili ba akong malungkot at mawawalan ng pag asa
O babangon at tatahakin ang daan patungo sa aking mga pangarapO Panginoong Diyos
Gabayan mo po ako ng lubos
Pagkat isipan ay gulong gulo na
Di na alam ang wasto sa kamalianWag po sana akong pababayaan
Gabayan hanggang sa akin ng mapatunayan
Na kakayanin kong labanan ang kadiliman
At mabuhay na puno ng kasiyahan
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...