Ginoo

7 0 0
                                    

Sa aking minamahal na ginoo
Sana'y ang pag-ibig mo'y manatiling totoo
Huwag sanang lumihis ang iyong mga mata
At baka bukas, makalawa
Nasa piling ka na nang iba

Sa paggising ko'y ligaya agad ang hatid
Sa tuwing babati'y kasiyahan mo'y aking nababatid
Di na mabura bura mga ngiting iyong ibinigay
Tayo nga ba'y magtatagal, sa iyong palagay?

Mabilis na tibok nang puso kong masaya
Sa tuwing maririnig ang boses mong kaaya aya
Mukha na ata akong mansanas sa pagka pula
Sa tuwing nasisislayan ang iyong napaka among mukha

Di ko maipaliwanag ang saya pag ika'y nakikita
Puso ko'y biglaang napapaindak sa tuwa
Sa tuwing ika'y lalapit sa akin
Pakiramdam ko'y tatangayin na ako ng hangin

Salamat sa lahat mahal ko
Mga kaligayaha'y nakatatak na sa aking puso
Ang tanging hiling ko lang sa Panginoon
Manatili tayong masaya sa gitna ng mga hamon

Kung ito'y pawang panaginip lamang
Sana'y di na ako magising magpakailan paman
Dahil ligaya'y sayo ko lamang nadama
Mga problema'y pawang hindi natin alintana

Sa paghawak mo ng aking mga kamay
Sa tuwing ako'y lalakad at ika'y sasabay
Ligaya at pagmamahal aking nadarama
Sana'y maulit muli itong ating pagsasama

Pangako ko sayo aking ginoo
Sa mga problema'y hinding hindi ako susuko
Haharapin ko ito nang buong puso
Pagkat alam kong ika'y kasama ko hanggang sa dulo

Tulang ito'y kelangan ko nang waksan
At kabilang istorya naman ang aking sisimulan
Ang nais ko lamang sabihin sayo aking ginoo
Mahal na mahal kita hanggang sa dulo

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon