Mahal

0 0 0
                                    

Mahal ko
Ba't tayo nagkakaganito?
Di man lang makapag usap ng matino
Oras ay hindi pumapanig sa atin batid mo?

Hindi na tayo ganoon ka saya
Hindi na tayo ganoon mag tiwala
Sobrang sakit sa dibdib kung isipin
Na baka ika'y mawala na sa akin

Masakit isipin na oras ay ipinagkakaita mo sa akin
Kahit minsan man lang sana'y ako ang iyong kapiling
Di ko na matanggal ang sakit sa damdamin
Tila ika'y napakahirap ng abutin

Di ko man masabi sayo ng harapan
Pagkat ako'y duwag at nagtatangatangahan
Ngunit mahal sana ay iyong pakinggang
Dinggin ang pusong sawing kapalaran

Di mo man sadyang ako'y saktan
Mahal, sana'y pakiramdaman ang puso kong sugatan
Pagkat ika'y lumalayo na ng lumalayo
Paano nalang ang pag-ibig ko para sayo?

Sana'y mabago pa natin
Ang mga nakalaan para sa atin
Sana mahal, iyo ng makita
Ang nais ng pusong dukha

Mahal sana naman ako'y bigyan ng oras
Baka mawala na sa piling mo bukas
Itong babaeng nagmamahal sayo hanggang wakas
Baka mamaya'y iwan ka na at biglang tumakas

Mahal ayokong mawala tayo
Pagkat ika'y mahalaga sa buhay ko
Pero mahal ako na'y lubos na nahihirapan
Magpapaalam na ba o lalaban pa ang pusong sugatan?

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon