Tumatakbo at hindi humihinto
Mga oras na tinuturing nating ginto
Minsan nga'y atin nang sinasayang
Hindi man lang natin namamalayanSa bawat minutong lumilipas
Hindi alintana ang buhay na nalalagas
Sa kada segundong ating pinapalampas
Mga problema'y sa atin ay kumakaripasPahalagahan ang bawat minutong lumilipas
Habang tayo pa ay buhay at di pa nalalagas
Sapagkat ang buhay natin ay hiram
Sa huli'y kailangan na nating magpaalamPilitin sana nating maging masaya
Hanggang sa abot ng ating makakaya
Sapagkat ito'y hindi magtatagal
Sa mundong itong puno ng mga hangalMagmahal ng walang katapusan
Magparaya kung tunay na kinakailangan
Sapagkat ang oras ay di tumitigil sa pagtakbo
Sige dali, habulin mo itoSa kada araw na ating pinapalampas
May mga oras tayong di sinasadyang nilalagas
May katapusan rin ang ating mga buhay
Kaya matuto tayong magmahal ng tunayHangga't di pa tayo nakaratay sa kamatayan
Hangga't may oras pa'y tayo'y manatiling buhay
Sapagkat kapag ang oras ay tuluyan ng tumigil
Kasiyahan ay mawawaksi at wala nang pipigil
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...