Hindi ko alam kung paano
Hindi ko alam kung ano
Hindi ko alam kung totoo
Hindi ko alam kung biroSakit na aking nararamdaman
Tila ba walang katapusan
Mananatiling nakatatak
Puso ko'y unti unting winawasakKaligayaha'y tila di na maabot
Pighati't kalungkutan di na malimot
Mundong ito dala'y sakit
Sa aking buhay na puno ng paitLiwanag ay di ko na makamtan
Pag-asang mabuhay, akin ng nakalimutan
Pagsuko nalang ang nais kong gawin
Mga pangarap ko'y malabo ng abutinSa paglipas ng mga araw
Sakit ang nangingibabaw
Di ko maaninag ang liwanag
Na nakatadhana at sa aki'y tumatawagBakit ako ang Kanyang napili
Na piliting saktan ang sarili
Dulot nitong puot sa damdamin
Kayo'y iwawaksi ko sa aking pilingTakot na kayo'y madamay
Sa problemang walang karamay
Di bale na't sanay akong mapag-isa
Iiyak nalang ang nararamdamang pagdurusa
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...