Sana

0 0 0
                                    

Hindi ko man masabi
Hindi ko man maipaliwanag
Hindi ko man nasabi
Hindi ko man naipaliwanag

Gusto kong inyong malaman
Na masakit
Mahirap
Nakakainis
Nakakairita

Wala akong magawa
Wala akong maipakita
Dapat tama lahat
Isang magkakamali lang
Huhusgahan ka na

Nasaan na nga ba ang Diyos?
Iniwan na ba niya ako?
Ipinagkakait ba Niya sa akin ang ligaya?

Ba't ganun?
Ba't ang hirap
Ba't ang sakit
Ba't ako pa?

Sa bilyon bilyong tao sa mundo
Ba't ako pa

Hindi ko na alam
Kung magpapaalam na ba
Kung lilisan na ba
Kung susuko na
Dahil mahirap na
Hindi ko na kaya

Sana marinig naman nila
Sana marinig naman Niya
Sana tumigil na
Sana iba nalang
Sana hindi nalang ako
Sana
Sana wala na ako

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon