Kaibigan

3 0 0
                                    

Ito yung mga taong masasabi kong totoo
Totoong nagmamahal sa akin ng buong puso
Mga taong palaging andyan para ako'y pasayahin
Kahit minsa'y para ako'y paiyakin

Sa piling nila'y masasabi kong ako'y napakasaya
Mga ngitian na tila ba walang mga problema
Malalakas na hiyawan at kantyawan
Totoong tinig ko'y sakanila ko lamang binibitawan

Minsa'y nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
Ito'y humahantong rin sa mga tampuhan
Di magpapansinan ng mahigit isang o dalawang oras
Ngunit sa huli'y magngingitiang parang rosas

Sa piling nila'y ako'y buong buo
Di alintana ang hapdi sa aking puso
Pagkat sila'y totoong mga kaibigan ko
Na di ako iiwan sa gitna ng mga pasubok

Pagsuko ay hindi namin gawain
Labanan ang mga problema'y aming hangarin
Maging solid hanggang sa dulo'y dalangin
Sana'y pakinggan ito ng ating Amang maunawain

Kung tayo ma'y magkahiwalay ng landas na tatahakin
Palaging tandaan na tayo'y kapit-bisig pa rin
Walang kakalimutan at iiwanan
Gawin itong gabay upang mga hamon ay mapagtagumpayan

Di alintana ang mga tao sa paligid
Masamang salita at tingin sa ami'y umaaligid
Patuloy kaming sabay na mangangarap at babangon muli
Pagkat kami'y magkakaibigan hanggang sa huli

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon