Para sa aking minamahal
Hindi ko alam kung paano kita natiis ng kay tagal
Pinilit kong magpakatatag para sa atin
Pero mahal, ako'y nasasaktan na rinPinaranas mo sa akin ang kaligayahan
Ngunit mas madalas mong pinaparanas sa akin ang kalungkutan
Di ko masabing selos ba ito o tampo
Basta't ang alam ko'y baka di tayo dapat ipinagtagpoMahirap magbulag bulagan sa mundong ito
Mahirap rin magtago ng sakit na dulot nito
Sana'y dumating rin ang oras na iyong malaman
Na ako'y lubos mo ng nasasaktanPinilit kong mawala sa aking isipan
Mga salitang kanilang binitawan
Ngunit alam mo ba kung bakit di ko ito magawa
Nakaukit na ito sa aking puso at ako na'y nagsasawaDi mo na muli hinahawakan ang aking mga kamay
Hindi na tayo ganun ka saya at magkaramay
Di ko alam kung ikaw ba'y nagsasawa na
O napipilitan ka lang na ako'y ibigin paAaminin ko sayo na di ko kayang ika'y iwanan
Ngunit ako ba'y patuloy na magpapaka tanga tangahan
Mahal, di man kita magawang iwan
Ngunit gagawin ko ito kung kinakailanganNangako man tayo na walang iwanan
Ngunit, mga pangako'y tunay ngang napapako sa hulihan
Habang sinusulat ko ang tulang ito
Di ko maipaliwanag ang sakit na dinaramdam koPatawa tawa lang kahit nasasaktan
Di pinapakita ang tunay na nararamdaman
Magtitiis pa ba ako, o aking mahal
At mananatiling isang hangalMahal, sa panahon ngayon
Alam kong tadhana ay hindi sumasang-ayon
Mahal, sana iyong pakinggan
Tibok ng puso'y unti-unti ng tumatahanSa mundong ating ginagalawan
Ako'y tila nababaon sa dalawang katanungan
Mamahalin pa ba kita hanggang sa katapusan
At magtatanga tangahan
O ako ngayo'y lilisan
Upang ng sa gayo'y di mo na muling masaktan
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
Thơ caKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...