Distansya

4 0 0
                                    

Tila ba'y ang mundong ito
Di nawawalan ng oras na ako'y nabibigo
Pano ko nga ba ito lalabanan
Kung ang mundo'y mapanlinlang

Nung una kitang makilala
Nung una kong nakita ang inyong itsura
Muking mabuhayan at tumatag ang loob
Nitong babaeng nabihag mo ng buong buo

Sabi na nga ba'y ang mundo'y mapanlinlang
Palagi nalang sa aking buhay ay may hahadlang
Hahayaan ko nalang ba itong kusang dumating
O sisimulan ko ng labanan at ito'y harapin

Distansya ang ating kinakailangan
Maraming bawal at pag aalinlangan
Bumalot sa isipan ko ng tayo'y nagkatinginan
Siguro mas magandang tayo'y manatiling magkaibigan

Distansya ang mahirap gawin ng isang tao
Pagkat malalayo ito at maaaring mapiligro
Pagkat ika'y wala na sa tabi ko
Ang dapat kong gawin ay ang magsakripisyo

Simula ngayon mundong gamhanan
Distansya'y kanya ng mararamdaman
Pagkat mga problema'y nananatiling hadlang
Sa kasiyahang maaari naming makamtan

Sana'y di ka parin magbago aking mahal
Pagkat ako'y di magsasawang magtatanghal
Ng aking nararamdamang pag-ibig para sayo
Sana'y manatili ka sa tabi ko hanggang dulo

Pero mahal, kailangan ko na munang dumistansya
Layuan ka at hindi pakinggang sa abot ng aking makakaya
Pagkat ang mundo'y naghihiwalay sa ating dalawa
Kaysa mabuhay tayo sa pighati at manatiling mag mamakaawa

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon