Kalungkutan at hinagpis ang nararamdaman
Sa bawat oras na lumilipas ay walang nasisilayan
Tuluyan ng nalugmok at nawalan ng malay
Pilit niyang sinisira ang aking buhaySalitang depresyon ang nilalarawan
Walang taong tinuturingan
Bata man o matatanda'y nakakaranas nito
Kahit ako'y di makawala sa problemang itoTinalikuran ang mga pangarap sa buhay
Tuluyan nang nabura ang aking tunay na kulay
Sa mga oras na ito'y akin ng napagtatanto
Kailangan ko na talagang sumukoNaaninag ang isang matulis na patalim
Hinawakan at biglang nagtago sa dilim
Sa braso ko'y aking inilapit
At sinaktan ang sarili dulot ng galitLuha'y patuloy na umaagos habang ginagawa ito
Nababawasan ang lungkot sa aking mga puso
Sa buhay ko'y naguumapaw ang poot
Depresyon nilunod na ako sa lungkotKinalimutan ang mga kaibigang tunay
Kamatayan ay sa aki'y naghihintay
Sasama ba ako o patuloy na lalaban
Kahit ako'y lubos ng nahihirapanDepresyon ay hindi madaling harapin
Matapos itong problema'y aking hangarin
Muling masilayan ang inaasam na liwanag
Na minsan na'y napalitan ng kadilimang tinatawag
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...