Tayo'y bumalik sa simula
Kung saan ang lahat ay masaya pa
Sa simula na wala pang problema
Wala pang sakit na nadarama
Wala pang luhang sumasama
Wala pang lungkot na sinasambaTayo'y bumalik sa simula
Kung saan ako at ang kadiliman
Ay hindi pa iisa
Hindi pa nagsasama
Hindi pa nagkakakilala
Hindi pa dinaramaSa simula na pawang kasiyahan lamang
Sa simula na kalungkutan ay walang katiyakan
Kalungkutan na animo'y isang dumaang hangin lang
Lalagpasan ka lang
Ng isang minuto
Ng isang segundo
Pagkatapos
Wala na
Tapos naMaaari ba akong bumalik sa simula
Sa simula na hindi pa ako nakakulong
Sa simula na ako'y malaya pa
Sa simula na ang hawlang ito'y wala pa
Sa simula na ang tali ng dilim na ito'y anino pa
Sa simula na ang aninong iyon na kinakatakutan ko
Ay isa palamang na bulaMaaari ba akong bumalik sa simula
Kung saan problema'y daraanan ka lang
Kung saan ang bawat oras ay kasiyahan lamang
Ang kada isang segundong pumapatak ay laro lamang
Ang kada isang minutong lumilipas ay ngiti lamang
Ang kada isang oras na dumadaan ay tawa lamang
Na ang kada isang araw na pumatak
Na lumipas
Na dumaan
Ay walang bahid ng kalungkutanMaaari ba akong bumalik sa simula
Sa simula na kung saan ako'y ako pa
Na wala pa ako dito
Dito sa aking hawla
Ang hawla na binuo ko magmula nung siya'y aking nakita
Itong hawla na naging kulungan ko nung siya'y may napadama
Dito sa hawlang ito na sa simula pa lamang alam ko na
Na sa simula pa lamang natutunan ko na
Na sa hawlang ito
Ako'y hindi niya masusundan
Hindi masusundan ng noo'y anino pa lamang
Na dito sa hawlang ito
Ako'y malaya mula sa kadilimanHindi ko man maisip
Hindi ko man masabi
Hindi ko man lubos na akalainNa sa sandaling lumabas ako sa hawlang ito
Kanya na pala akong gagapusin
Gagapusin at hindi palalayain
Kahit anong pilit
Kahit anong sabihin
Kahit anong isipinSakanya, ako na'y naging alipin
Maaari ba akong bumalik sa simula
Na kung saan pwede ko sanang itama
Itama ang aking nagawang kamalian
Na naging dahilan ng aking kalagayan
Na naging dahilan
Kung bakit
Kung paano
kung bakit at paano niya ako gapusinGusto kong kumawala
Gusto kong sabihin na tama na
Tigil na
Hinto na
Ayaw ko na
Masakit na
Hindi ko na kayaAt ngayon
Ang hawlang iyon
Kanya na ngang itinaponAng hawlang aking binuo
Upang sa kanya'y makalayo
Nakita ko nalang na naging isang aboNaglalakad na nakagapos
Nakaupo na ang luha'y umaagosHabang siya
Nakamasid sa likuran
Kahit anong galaw ay pipigilan
Walang balak na ako'y pakawalan
Hanggang sa huli'y aming napagkasunduan
Upang makawala sa pwestong aking kinalalagyan
Kailangang buhay ay akin ng sukuan
Matamasa lang ang inaasam na kalayaanKung maaari
Kung mararapatin
Kung pwede sana
Ako'y babalik sa simulaSa simula na siya'y hindi ko pa nakikilala
Sa simula na siya'y anino pa lamang
Sa simula na siya'y parang bula pa lamang
Sa simula na hindi pa siya nagpapakilalang kadilimanKung mararapatin sana
Gusto kong
Bumalik
Sa simula
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...