Iniwan, Nang-iwan

0 0 0
                                    

Pano mo nagawang ako'y iyong iwan?
Katanungang hindi ko matanggal sa isipan
Ngunit pilit ko paring kinakalimutan
Di ko magawa dahil sa sakit na naranasan

Iniwan mo ako sa gitna ng lungkot at pighati
Iniwan mo ako na may kagustuhang gumanti
Iniwan mo akong nagdadalamhati
Iniwan mo akong mag isa at puso'y hati

Iniwan mo akong umiiyak sa gitna ng ulan
Patuloy itong pumapatak habang ika'y lumilisan
Mahal, pano mo akong nagawang saktan
Bakit bigla mo na lang akong iniwan

Oo, ikaw ang aking tinutukoy
Iniwan mo ang isang tao na ngayo'y palaboy laboy
Pilit hinahanap ang tunay na kaligayahan
Sa mundong puno ng taong mapanlinlang

Iniwan niya ako sa gitna ng ulan
Tinalikuran at pinilit kong kalimutan
At nang siya'y nawala na sa aking pananaw
Ako'y bumagsak at tuluyan ng nagpalahaw

Sakit ay patuloy na dumating
Iniwan ko ang taong dapat kong mahalin
Pagsasakripisyo'y kailangan kong isaalang alang
Problema'y nagsisimula pa lamang

Iniwan mo akong mag isa
Sa gitna ng dilim na nag iisa
Piniling lumakad papalayo
Aking nararamdaman ay pawang siphayo

Masakit

Mahal, pasensya ka na at ika'y aking iniwan
Ayoko lang na ika'y lubos ko pang masaktan
Mas makabubuting ika'y aking talikuran
Habang iwinawasto ko pa ang aking kamalian

Patawad

Hanggang sa muli, aking mahal

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon