Hanggang sa huli

1 0 0
                                    

Habang pilit kong binabalikan
Dati nating mga usapan
Nagdala ng ngiti sa aking mga labi
Kalungkuta'y saglit na iwinaksi

Habang ang oras ay lumilipas
Ika'y lumalayo at unti unting naaagnas
Naiiwan ang isang taong luhaan
Di mo man sadya, pero ako'y iyo ng nasaktan

Dumating din tayo sa punto
Na pag-iibigan ay di na matanto
Pilit na iniinda ang sakit na ibinigay
Sana nama'y manatili tayong matibay

Sa oras nato'y gulong gulo na ang isipan
Kung ipaglalaban pa ba o kakalimutan
Mga ngitian at ating pinagsamahan
Ngayon na ba ito mawawaksan

Sana'y ang oras pwede pang maibalik
Upang malaman kung ano ang mga salik
Kung pwede lang sana mabago ang lahat
Ginawa ko na yon para ako sayo'y maging sapat

Di ko na mapigilan
Mga luha'y unti unti ng nagsibagsakan
Pagkat di ko na maintindihan
Di ko na makayanan

Sana'y iyong nababatid
Mga hinaing ko't pighati sayo ay ihahatid
Sana'y maitamanpa itong pagkakamali
Upang ating pang maayos ang mga nasayang na sandali

Paano na nga ba tayong dalawa
Tayo na ba'y sa isa't isa'y magsasawa
Ayokong masayang ang mga buwang puno ng kaligayahan
Dahil lamang sa oras na di mo sa akin mailaan

Ayokong sayo'y magpaalam
Sapagkat ika'y minahal ko na ng hindi katamtaman
Pinili kita at mananatiling ikaw lamang
Pero pagiibigan nga ba'y magtatapos na lang?

Nangako akong ika'y mamahalin
Kahit sa dulo pa man ika'y pipiliin
Di hahayaang mga problema'y makahadlang
Ngunit oras nga ba'y sa ating dalawa'y sasayang

La Poesía (The Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon