Isa sa mga rason kung bakit
Kadiliman sa aki'y magdudulot ng sakit
Mga larawang hindi maipaliwanag
Bumabalot sa aking isipan hanggang liwanagMga imahe na gumagalaw
Unti unting lumalapit araw araw
Di ki alam kung ano ang gustong ipahiwatig
Maarai ba akong saktan nitong kadilimang hindi maantigSa tuwing papatayin ang ilaw
Sa tuwing naaalala ko ang salitang dalaw
Tila binabalot ako ng takot
Pilit ko itong ibinabaon sa limotPilit kong kinukumbinsi ang aking sarili
Na ito'y gawa gawa ng isip kong marindi
Di ito totoo at hindi magiging totoo
Ito'y guniguni ng isip na mapiligroIniiyak na lamang ang takot na nadarama
Sa tuwing kadilima'y aking naaalintana
Di pwedeng sumigaw o magsumbong
Pagkat walang maniniwala lumipas man ang kahaponGusto ko lamang ng taong makakasama
Poprotekta sa aking sa dilim na alintana
Tatabihan ako sa abot ng makakaya
Ipadama ulit ang liwanag na minsa'y naglaho na parang isang bula
BINABASA MO ANG
La Poesía (The Poetry)
PoetryKay dali lamang akong paglaruan Nitong mga emosyong aking kinakatakutan Minsa'y kinasisiyahan, ngunit madalas kinamumuhian Mainam na isulat nalang ito bilang isang tula Tanda na ako'y minsan nang nabigo at muling nagsimula ==========================...