~~CHAPTER I~~
(coreen pov)
"MS. ASUNTO! GET OUT! NAKAKAGIGIL KA TALAGA! BAKIT KA NATUTULOG SA KLASE KO!!!" pagsusumigaw ni Ms. Real ang teacher ko sa ngayon. Nakatayo itong nakapamwewang sa harapan. Naiinis ako sa matandang hukluban na ito. Sige, hindi pala ganon katanda pero base sa itsura nito ay masasabihan mo siyang matanda at sa ugali nito ay menopause na talaga. Mainitin lagi ang ulo. Palagi rin akong sinisigawan sa klase pero ako lagi ang panalo sa bawat labas ko ng silid. Paano?Sinipa ko ang upuan ko patalikod upang wala akong tamaan, nasa likod kasi ako ng hilera ng upuan. Natahimik ang lahat at takot na tingin ang makikita mo sa mga kaklase ko.
"Ms. Real, ang ayoko sa lahat pinapahiya ako, bakit ba gigil na gigil ka sa akin, dahil ba ikaw tumandang dalaga at ako hinahabol ng marami?" hinagod ko pa buhok ko gamit ang mga daliri ko.Nagtawanan ang lahat at napalitan ng ngisi ang mga labi ng kaklase ko. Kung anime lang kami ngayon ay, umuusok na ang ilong at tenga nito sa galit.
"HAYOP KA TALAGANG BABAE KA! IPAPAKICK OUT TALAGA KITA!" sigaw nito at gigil na ibinaba ang mga kamay nito mula sa pagkakapamwewang niya kani kanina lang.
"ganon ba, ilang beses mo ng sinabi yan? Sige lalabas na ko, maihi ka pa sa galit, MISS Real." Pinagdiinan ko pa ang Miss saka ako naglakad papalapit sa pinto.Inambaan niya ako pero tumingin ako ng masama, natahimik ang lahat. Napalitan muli ng takot ang mga mukha ng kaklase ko.
"ma'am kung gusto nyo pa akong maging mabait, huwag nyo kong gagalawin, marami na kong napatalsik rito!" nakakatakot kong pagsasalita.Napaatras ito ng dahan dahan na akong naglakad papalapit sa kanya. Dinaanan ko lang siya saka ako naglakad papalapit sa pinto.
"thank you sa free day ma'am" saka ako lumabas at padabog na sinara pinto.Ganyan ako rito sa school, public man to pero napatino ko lahat ng nagaaral rito.
I'm Reefea Coreen Asunto, RC ang tawag sakin ng mga kagrupo ko pero ang tawag sakin ng mga nasa school, "pretty deemon". Tama ang spelling double "e" kasi nga naman may double e ang ang name ko.
Isa akong gangster. 18 years old. Ang grupo ko ay sikat na noturious gang.
"WARRIOR ANGELS"Sikat kami sa buong city at sa mga kalapit at katabi nito. Marami ng natatakot sa amin pero marami paring patuloy kaming hinahanap upang labanan pero kami, naghihintay lang ng makakahanap samin o makakausap ang mga membro ko.
Nakasukbit ang bag ko sa aking kaliwang balikat habang naglalakad papalabas ng school. Agad naman akong pinagbuksaan ng walang sinasabi na kahit ano ng mga guard.
Pagkalabas ko ay agad akong nagpony.
Public ang school ko pero hindi magawang ipakickout dito dahil sa trabaho kong natatakot ang lahat kapag gumawa sila ng mali.
"pretty deemon, saan ka pupunta? sabay ka na po." ang isang nakamotorbike na student ang lumabas rin mula naman sa gilid ng parking lot ng school.
"alam mo kung saan jack" sagot ko.Siya si Jack, isang lower year na kaibigan ko pero ginagalang ako bilang ate.
"may klase ka ate diba?" tanong niya.
Sumakay na ako.
"oo, pinaalis ako, huwag ka ng magtanong bata, ihatid mo na ko" saka ko tinapik sa balikat ng mahina.
Nailing iling na lang ito.Nagdrive na siya at hinatid ako sa isang bahay. Pula ang gate nito at hindi nakikita ang loob dahil sa taas ng gate at solid ng gate.. Papasok na sana ako ng may nagbukas ng gate.
"good morning boss napaaga ka?" si mackey, ang isa member ko.Mackey Lising, hindi katangkaran pero hindi rin naman maliit sa akin. Mahaba ang buhok ang patilya nito kumpara sa likod nitong buhok at ang hati ay sa gitna. May marka siya ng hiwa sa mukha na nakuha niya nung naaksidente sa isang laban namin.
BINABASA MO ANG
When I Fall to Great One
РазноеMaybe you don't understand what is love. Pero ang pagibig hindi lang para sa isang taong nagmamahal sayo. She's a great one, one great love of every one.