CHAPTER XI

1 0 0
                                    

~~CHAPTER XI~~

(Coreen pov)

Kinabukasan nga ay pinasundo sakin ng alas dos si raygen, kahit 12 na kaming nagsitulog.

Ibinigay naman sakin ni raygen ang duplicate ng lahat ng susi ng bahay niya.

Pagpasok ko sa kwarto. Malinis na ang kwarto niya samantalang nung natulog kami nung isang gabi napakagulo.

Dumapa ako sa kanya ng dahan dahan.

Saka siya hinalikan.
"sh*t" napamura siya.
"ko-coreen?!" gulat niya.

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Pinagpapawisan siya.
"tu-tu-ma-mayo ka-ka" putol putol na salita niya.

Umalis na ko sa ibaba niya. Biglang akong pinagpawisan, mali ginawa ko. Nabuhay ang tinatago niya.

Bumangon siya agad.
Tinakpan ng unan.

Nakahubad lang pala siya at boxer.

Sanay na dapat ako diba, kapag nakikipaglaban ako kay vincent at kuya vladd ayos lang na nakahubad sila ng pantaas.
"mahal ko naman, baka hindi ako makapagpigil sayo!" reklamo niya.
"bumangon ka na, pinasusundo ka ni kuya vladd" hindi ako

nagpahalata na pinagpapawisan ako.

Lumabas na ako. Pinunasan ko pawis ko.

(Raygen pov)

Nananaginip pa naman ako na inaakit niya ko pero pinipigil ko tapos mapapagising ako na napatong si siya sakin.

Pinagpawisan ako ng husto.

Naligo na ako agad at saka lang ako napatingin sa oras 2:20 pa lang?

Bumaba ako.
"bat napaka aga mo namang umuwi?" sambit ko.
"umuwi? Kapal" tumayo siya at tinalikuran na ako "pinasusundo ka ni kuya vladd"

Sumunod na lang ako.

Paglabas ko ng gate,may motor at nakita ko isang bag, isa yon sa bag ko.
"teka mahal ko, bag ko to ah? Ano laman niyan?" tanong ko.
"mga damit mo, dun ka matutulog kila kuya vladd ng dalawang gabi" sagot niya.
"te teka? Ano? Sa kanila?" gulat ko.
"bakit? Pumayag ka sa hamon niya diba?" pagsusungit nito.
Sumakay siya sa motor. Sumakay na ko.
Mabiro nga.
"ano balak mo kanina?" bulong ko sa tenga niya.

Nagpaandar siya ng motor. Napakapit ako ng mabuti ng sobrang bilis niya na pinaandar.

Akala ko bubunggo kami eh. Napapamura ko sa tuwing umaabante siya. Dumating kami sa isang malaking bahay, sa tingin ko ay kasing laki ng bahay namin.

Madaming guard. Hamak dami ng sa kanila kaysa samin.
"wala kong balak sayo, kapal, baka ikaw eh, tumayo yung ano mo!" saka naunang lumakad.

Naguilty ako, hanep. Nakakainis, hindi niya dapat nakita yon.

Andito na kami sa loob ng di ko namamalayan. Madami ang nandon at mga college student ang iba.

Bumaba si kuya vladd, yung veronica at yung vincent.

Nakatingin na pala samin lahat.
"bunso, sino yang kasama mo?" tanong ng isang college student.

Inirapan ni coreen.
"walang pagbabago sayo, isang taon ka na ngang hindi namin nakita eh, kasabay mo nawala sila bossing, ganyan ka parin" yung isa na nakahiga sa sofa.
"tumahimik na ko, i would like to present this man" at hinawakan ako sa balikat.
"boyfriend siya ni little angel, and bahala kayo, huwag niyo tong gagalawin, patay kayo." pananakot ni kuya vladd.
"Kaya yang birahi-" nahinto ang vincent na yon sa pagsasalita ng nagmeet ang mukha niya at ang paa ni coreen.
"try?" inis ni coreen.
"kasi magsasalita pa" pangaasar ni veronica.

Ibinaba na ni coreen paa niya.
"we need to be alert, we need to protect the angels, kailangan ng siguridad nila kaya dito muna sila" sambit ni kuya vladd.
"teka kuya vladd, hindi mo sinabi sakin yan, at andito sila francis? Bakit hindi ko alam?" gulat ni coreen.
"wala eh, nakalimutan ko, pero si ate mo na ang magdadala ng gamit niyo pinasundo ko na kila francis"sagot ni kuya vladd.

Binatukan ni coreen.
"sh*t naman, abay boss ako kung makabatok sakin, harap harapan pa ng mga grupo!" inis nito.
"so, mantakin ba namang kalimutan akong sabihan, tapos alas dos na alas tumawag ka para lang pumunta dito, gusto ko pa kayang matulog!!" sigaw ni coreen.

Natawa kaming mga nandon pero mahina lang.
"hoy huwag kayong magsitawa! Magpush kayo ng 50!" utos nito.
"boss naman, 50 ag-" nahinto sa reklamo ito ng tumingin sa kanya.

Pumwesto na sila.
"pati ikaw!!" turo sakin.
"ah, hindi matutulog kami." pigil ni coreen.
"wag kang magtago kay kapatid, go!" utos nito.

Putcha, napakasakit nga ng katawan ko eh, tapos 50 push up.

Tinaasan ng kilay ni coreen.
"yamo na mahal ko 50 lang naman"sambit ko.
"ah ganon" bigla akong siniko.
"aww"aray ko!
"yan, pwede na siyang matulog, wala ng push up, wala pa kaming tulog!" talagang sobrang lakas nito.
"oo na, nasusunod ka na lang lagi!" pagpayag ni kuya vladd.

Umakyat na kami.

Kasakit ng sikmura ko, siniko ba naman kasi.

Pagpasok namin sa loob, parang lalaki natutulog rito.
"teka bakit ganito kwarto na to?" tanong ko.
"pinasadya yan ni kuya vladd ang ayos, minsan lang sa isang taon ako matulog rito pero binigyan niya ko ng sariling kwarto at pati si ate, mahaba yang bahay nato, 30 rooms lahat lahat kasama yung training room at close gym nila na andon sa baba, pinalinis sakin yung buong bahay nato sa loob ng isang araw ng magisa, kaya baka pati ikaw" paliwanag niya na may kasunod yatang pananakot. Eh hanap bahay nga namin hindi ko nalinis eh.
"kailangan ko na palang matulog, patay pala ko pagkagising ko" sambit ko

Humiga na ko. At tumabi siya.

Bigla siyang yumakap.
"mahal ko" tawag niya sakin.
"bakit mahal ko, natatakot ako ngayon, paano kung madamay ka samin?" mahinang tanong niya.

(Coreen pov)

Yumakap siya ng mahigpit.
"sshh, matulog ka na lang, i will promise, kahit hindi mo na kailangan magalala sakin, susundan ko yapak ni mom, for you" sambit niya. "but now can i kiss you?"

He give smile, talagang kailangan niya pang itanong yon.

Tumango ako at humalik siya.

Siya ang kusang bumitaw.
"bata pa tayo sa susunod."

How's getleman. Napakaswerte ko sa isang tulad niya.

~~~

Nagising ako sa sikat ng araw.

Nagulat ako ng makitang nine na.
"what?" napabangon, ligo at baba agad.
"your late wake up!" si philip.

Andon sila sa sala.

Silang anim, kasama si ate reena, vincent, veronica at ang grupo nila gk.
"si-si raygen?" tanong ko agad.
"ayon, asa training room kasama si kuya vladd mo" sagot ni ate.
"kanina pa sila?" tanong ko uli.
"di namin alam, kaninang 6 pa ako gising andon na sila" sagot naman ni francis.

Patutungo sana ko ng hinarang ako nila veronica at ate.
"ops ops ops,bawal ka munang pumunta, kumain ka muna" si ate.

Binilisan ko pagkain ko.

Saka diretso ng training room.
"ano, bibitawan mo na si coreen, tumayo ka!" sigaw ni kuya vladd.

Rinig na rinig ko ang boses ni kuya.

(Raygen pov)

Hindi ko na mabilang ang pagbagsak ko, mantakin mong sampong tao ang nakikipaglaban sakin.

Hindi ko na kaya, hindi na ko makatayo. Hindi na ko makaahon sa pagkakadapa ko.
"TUMAYO KA!" kilala ko ang boses na yon.

Siya lang naman ang kayang sumigaw ng ganon sakin.

Hindi pwede para kay coreen to. Hindi ko pwedeng hayaang matalo ang mahal ko.

Hindi ko pwedeng hayaan iluha niya na lang at hayaan siyang talunin ng kanya sariling ama.

Yes, the founder of the fraternity is her father.

Paano ko nalaman.

When I Fall to Great OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon