~~CHAPTER VI~~
(coreen pov)
"oy coreen, sabi mo hindi mo kayang manloko, bakit ngayon ay andito yan?" bulong ni ate.
"ate, hindi nga, seryoso kami, diba sinabi ko sayo na kapag nagdala ko dito at ipinakilalang boyfriend eh seryoso na ko." paliwanag ko.
Natulala yata si ate at hindi agad nagsalita.
"wait ah, wait , siya, siya sa tingin mo seseryosohin ka nito." lumapit siya kay raygen.
"ate please papatunayan ko sarili ko." pagsasalita ni Raygen.
Lumapit uli ako kay raygen.
"let me remind you, hindi mo ko ate, sige gusto mong subukan. Pero bago yan, basalan ko muna kayong dalawa, bigyan ko lang kayo ng prize matapos ang sumbong ni chezka na binasto nyo si tito tristan, lumuhod kayo ng tig isang oras!" tinuro niya yung bilao.
"tig isang oras?" gulat ni raygen.
"oo, pagnagawa mo yan, makakapasok ka sa loob ng bahay, pero hindi lang saglit" pumasok sa loob si ate at nagdala ng apat na libro.
Patay kami nito.
"ano, papasok ka pa?" tanong ni ate.
"dalawang oras lang ate to ah, ako narin sa oras niya at libro." pagpayag niya.
Lumuhod na siya.At ipinatong ang libro sa kamay niya ng nakataas.
"te-te-teka, raygen kaya mo ba?! Teka lang sigurado kaba?" nang makita kong napapikit at kagat labi siya.
Ang sakit talaga non eh.
"nako, huwag kayong mandadaya patay kayo sakin" saka pumasok si ate sa loob.
"Raygen sigurado ka talaga? Seryoso ba to?" tanong ko na hindi parin makapaniwala.
"can you call me, mahal ko?" malambing na pagsasalita niya. "nakapagdecide na ako, seryoso na ko, magseseryoso ako sayo, walang laro, walang kalokohan, walang dare. So please, pwede ba ikaw rin?" tanong niya na nakatingin sa mata ko.
"mag-iisip ako saglit." tumalikod ako at umupo sa maliit na upuan.Kaya ko bang gawing totoo ang relasyon namin. Pero paano kung masaktan ako?
Natingin ako sa kanya. Nakataas mga kamay niya na may tig-dalawang libro at nakaluhod siya sa munggo.
Seryoso na talaga siya diba? Sige susugal ako at ang puso ko. Mahulog na kung mahulog. Alam kong kailangan niya ng tulad ko na magtatama sa kanya, kaya niya ginagawa ito.
Tumayo na ako at lumapit sa kanya.
(Raygen pov)
"sige, pero masakit na mga tuhod mo mahal ko" lambing nito na dun nanaman umupo sa harap ko.At parang napakasaya ko ng tinawag niya akong mahal ko. Siya na nga ang nasa hula ko. Nagsimula na siyang baguhin ako. Parang nakukumpleto na ang buhay ko.
"parang nawala ang sakit ng tuhod ng tawagin mo kong mahal ko" nakangiting sagot ko.
"tsk" iling na lang niya.
"nakakatakot ang ate mo, gusto ko lang naman magseryoso, bawal ba yun?" sambit ko.
"mr. Playboy bakit mo to itutuloy?" tanong niya.
Bakit?
"maybe i need you or i'm already fall" pagsagot ko na totoo naman.
"naku, Raygen Asuncion, baka mahulog na ko sayo niyan" saka niya ginulo buhok ko.
"huwag muna ah" tanggi ko.
"bakit naman?" taka niya.
"ako muna, baka masaktan ka, sige ka" nakuha ko pang kumindat, kahit masakit na tuhod ko.
Nangiti ito sakin.
Biruin ko kaya.
"pero totoo mahal ko, ang sakit na ng tuhod ko, nangangawit na mga braso ko, pakakainin mo ko mamaya nito, subuan mo ko." biro ko."oo, sige ako bahala." pagpayag niya.
Lumipas pa ang ilang minuto. Siguro ay may oras na akong nakaluhod rito.
Ngawit na mga braso ko, pabagsak na nga eh. Ang sakit na talaga.
(Coreen pov)Nakikita ko siyang nahihirapan na. Kahit ako ay alam kong mahirap dahil naranasan ko yon.
Lumapit ako.
"kaya mo pa mahal ko?" pagaalala ko.
"kaya ko pa mahal ko" sagot niya ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
When I Fall to Great One
RandomMaybe you don't understand what is love. Pero ang pagibig hindi lang para sa isang taong nagmamahal sayo. She's a great one, one great love of every one.