~~CHAPTER XIII~~
(Raygen pov)
Na extend ang araw ko, hindi na 2 days lang, kundi 5 days na tapos 2 days ang pahinga ko.
Pero kailangan na naming pumasok dahil baka madrop kami. Naiwan ko pa sa bahay ko yung cellphone ko.
Pagpasok naming lahat ay kararating lang ni kurt.
"lumabas din kayo sa wakas, si jett, kailangan nating tulungan" bungad agad nito.
"anong sinasabi mo kurt?" tanong ko.
"kinulong siya ng dad niya sa kanila, sinabi niya sakin kung bakit, tapos si ma'am chezka tatlong araw ng hindi pumapasok, hindi ko alam kung bakit, kinokontak kita pero hindi mo sinasagot" tuloy tuloy na bigkas nito.
Bakit madadamay si ate.
"rc, si jack nawawala" yung jayson na kararating lang rin.
"ano?!" gulat ni coreen.
Napilitan kaming umalis agad sa school para tulungan si jett.
Tinawagan ni kurt si jett.
"jett, andito kami sa tapat ng bahay niyo." sambit ni kurt.
Inabot sakin.
"jett, asan ang kwarto mo?" tanong ko.
"sa second floor, pero mapapansin nyo agad dahil may bantay ang pinto ng kwarto ko, maraming bantay sa baba, magingat kayo pre, wala naman silang baril eh" sagot ni jett.
Pinatay na niya.
"kurt, may daan ba sa likod?" tanong ni coreen.
"ang alam ko oo" sagot ni kurt.
"christian, rendell, grandell at gk kasama grupo mo, bahala kayo sa harapan, francis, philip at mackey, sa likod namin kayo ni raygen" utos ni coreen.
"eh ako" tanong ni kurt.
"relax ka jan" sambit ni coreen.Ganito na nga nangyayari nagkatawanan pa, parang hindi mga takot sa laban.
Pumasok na kami sa likod habang sumugod sa harap sila gk.
Nakapasok na kami sa kusina sa likod. Wala pang tao sa loob. Pero pagakyat namin sa hagdan.
"oops" si coreen.
"kami na" sila francis. Sila ang nakipaglaban.
Umakyat na kami.
At yon nga yung kwarto ni jett.May dalawang bantay. Sabay kami ni coreen na bumira. Hindi ko alam na ganon na pala ko kalakas bumira, nagulat pa ako.
"mahal ko, ganyan talaga" sambit ni coreen.
Pumasok na kami sa loob ng kwarto ni jett.
"couple gangster?" si jett.
"labas na tayo oy, huwag ka ng tumayo jan" inis ni coreen.Lumabas na kami. Pinabalik na rin ni coreen yung iba. Umuwi kami kila kuya vladd. Pero puno ang mga tao don. Andong halos lahat ng grupong sakop ni kuya vladd.
"anong problema vincent?" tanong ni coreen.
"inihatid kasi ni kuya vladd si ate reena sa inyo pero may nakaabang don" problemado at malungkot si vincent.
"asan si kuya vladd?" tanong ni coreen.
"nasa hospital si kuya, pinagtulungan siya" sagot ni veronica na umiiyak.
"si ate?" sa tanong na yon ay parang iba na ang pakiramdam ko.
Hindi makasagot ang magkapatid.
Kinuhelyohan ni coreen si vincent.
"ASAN SI ATE!?"sigaw ni coreen.
"nakuha siya" mahinang sagot ni vincent.Nakita ko nanaman ang galit ni coreen. Binitawan niya si vincent at palabas na ito.
(Francis pov)Natahimik kaming lahat. Yinakap ni raygen si rc para pigilan siya.
"bitawan mo ko!" sigaw ni rc.
"coreen, huwag kang magpadalos dalos" pigil ni raygen si coreen.
The angel of the gang start to cry. Again i saw her how it's too hurt.Katulad ng lahat ng narito. Hindi kami makaimik, wala may gustong umiyak si rc. Nagaapoy ang galit naming anim dahil sa pagpapaiyak nila kay rc.
"bitawan mo raygen please, kailangan kong iligtas si ate, kailangan kong ipaghiganti si kuya! Kailangan ko ang ate ko!!" pagwawala ni rc na pilit pinipigilan ni raygen.Nakawala ito kay raygen kaya tinulungan namin ito. Sa sobrang lakas ni coreen ay nakatakas siya kay raygen.
"tama na rc, please!" pagpigil namin.
Yinakap ng mabuti ni raygen si rc. Halos nasa labas na kami.
"tama na oh, tama na, please mahal ko, pakinggan mo ko, tumigil ka muna!" pagmamakaawa ni raygen.
"paano ang ate ko raygen, kailangan niya ako" at humagulgol na siya at nakita naming ang pagluha din ni raygen ng makita ang paghagulgol nito.
BINABASA MO ANG
When I Fall to Great One
РазноеMaybe you don't understand what is love. Pero ang pagibig hindi lang para sa isang taong nagmamahal sayo. She's a great one, one great love of every one.