~~CHAPTER XIX~~
(Francis pov)
Sa galit namin ay hindi na namin napansin ang sugat at pagod namin sa mga laban.
Hindi na kasi namin alam kung ano ang nangyayari sa tatlo.Hanggang sa kami na lang ng grupo ko at si kuya vladd ang nakapasok sa loob. Kasunod si gk at jett.
May limang mga lalaki don na may baril at nakatutok samin.
Nagawa naming agawin at talunin.
Hanggang sa nakita namin si maam chezka at isang lalaki.
"teka, papaano kayo nakaabot dito?!!" sigaw na pagkagulat ni chezka.
"nasan si reena, chezka!" sigaw ni kuya vladd.
"reena nanaman!!" galit ni maam chezka at tinutok ang baril kay kuya vladd.
May lumabas ding mga lalaki at sinugod kami na sakto saming bilang.
"tumigil ka na chezka! Wala kang mapapala!" sigaw ni kuya vladd nagpatuloy kami sa paglaban."Bakit siya lang hinahanap mo? Diba ako ang bestfriend mo? Pinangakuan mo ko, Vladd. Sabi mo magpapakasal tayo. SABI MO YON!" sigaw ni Maam chezka.
"H*yop, Cheska. Ikaw ang namilit ng pangakong yun. Hindi ko naman gustong ipangako yun. Bata pa tayo nun. Para sa isang pangakong pinilit mo lang. Ginawa mo to?" galit ni kuya Vladd.
"Siraulo ka! Alam mong mahal na mahala kita. Pero ipinamukha mo pa sakin. Sa bestfriend ko pa, sa taong akala ko kakampi ko." Patuloy na sumbat ni ma'am Chezka.
Bumagsak man kami pero natalo namin ang kalaban.
"kung hindi ka mapapasakin mabuti sigurong mamatay ka na!" sigaw ni chezka.
(Raygen pov)Bumangon na si coreen at binuga lahat ng tubig na nainom niya. Yumakap agad ako at niyakap din ni ate Reena ito.
"Akala ko iiwan mo na kami." Pigil luha kong sambit.
Tumayo na kami, sarado ang pintuan. Bumitaw mula sa pagkakakapit sakin si Coreen. Inikot niya ang paligid na parang may hinahanap na kung ano.
Maya maya ay yumuko siya at pinulot ang kapirasong alambre. Napatingin lang kami ni ate Reena, kahit naman sino ang nasa panahong yun ay hindi namin alam ang gagawin at manonood na lang sa pagasang may magagawa si Coreen.
Ilang minute ang lumipas ay nabuksan na nga namin. Muntik na niyang ikinamatay ang nangyari kanina pero parang wala lang sa kanya at nagawa pang tumakbo na sinundan lang namin ni ate Reena.
Inabutan namin sa pagbukas ng panibagong pintuan ay nakatutok ang baril ni ate Chezka kay kuya Vladd.
Tumakbo si ate reena at yinakap si kuya vladd.
"sige magsama kayong mamatay!" sigaw ni ate chezka."Rc!" at sinipa ni Christian ang isang baril na malapit sa kanya.
Nasalo ni coreen at bago makaputok si ate ay tinamaan na ni coreen ang baril na hawak niya kaya nabitawan niya ito..
"tama na ate chezka" tinutok ni coreen kay ate yung baril.
Sa bilis ng pangyayari hindi ko alam kung bakit napunta sa ganon.
"hindi mo ba napansin chezka, iniwan ka ng ama mo, wala na siya, hinayaan ka niyang magisa, tama na to." sambit ni kuya vladd.
Napaluhod na lang si ate chezka.
Pero napaluhod din si coreen.
Sinalo ko siya."ma-may tama ako, bi-binaril ako ni rayster" mahinang sambit ni coreen.
"PA-PAANO?!" gulat ko at hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakita ko yung dugo sa likod niya.
"coreen, teka teka,dadalin kita sa hospital!!" sigaw ko.Napalapit na din sila kuya Vladd.
(Francis pov)
Hindi namin pinansin ang pagdating ng mga pulis na huli ko ng natawagan kani kanina lang.
"Rc!" sigaw naming anim at lumapit sa kanila ni Raygen.
Napaiyak si raygen ng makita ang tama ni coreen.
Napaiyak sila ate reena at kuya vladd ng makita si coreen.
"coreen!" sambit nila.
Binuhat ni raygen si coreen para ilabas ito agad.
BINABASA MO ANG
When I Fall to Great One
RandomMaybe you don't understand what is love. Pero ang pagibig hindi lang para sa isang taong nagmamahal sayo. She's a great one, one great love of every one.