(Grandell pov)
Pero Maya maya lang. Nagulat kami sa pumasok sa loob. Puro bandage mukha ng sampong pumasok. Nakaitim na rubbershoes at nakaitim na jacket. Nakalagay ang logo ng pulang dragon. Nakacap na pula na may halong itim at nakatatak ang dragonade. Puro sugat sila. Kahit pa si...
"RC?" Tanong ni Rendell.
Ngumiti ito.
Tama nga kayo sila na to pero may kasamang tatlo at nagsiupuan. Halatang pagod.
" Pinatay tayo dun ahhh" reklamo ni philip.
"Woahh, namiss ka namin bro" saka namin dinaganan si Philip.
"Mga g*go kayo!" Sigaw Niya.
" Tumahimik kayo, may kakausapin ako" sambit ni RC.
Napatigil kami.Inalis niya cap niya.
" Huwag na kayong magtaka, pinutol to ng matandang yan!" Galit na turo kay kuya vladd.
" Hindi ko sinasadya naman. Saka muntik mo na nga akong patayin, isang araw akong bagsak" reklamo ni Kuya vladd.
Tiningnan ng masama ni RC.
Takot pa din talaga.
May bangs na kasi si RC. Na ayaw talaga niya.
" Ako leader, ako kawawa" bulong ni Kuya vladd.
" May sinasabi ka?" Taas ng kilay ni RC.
" Wala boss" iling ni Kuya vladd.
Natatawa kami tuloy.
(Raygen pov)Nakatayo ako sa gilid ng supa. Sa sobrang dami namin don. Hindi ko alam kung paano namin pagsisiksikan sarili namin.
Pero sariwa pa sa utak ko yung nangyari nung naputol buhok ni Coreen. Sinugod niya ng sinugod si Kuya vladd. Walang awang sinugatan. Saka binugbog pa. Kahit kami, di pinatawad nung pinigil namin. Dapat maayos kaming makakauwi eh. Nangyari lang yun.
Kinausap na ni Coreen si Rendell.
" Ingat ingat sa pagliligtas, huwag padalos dalos" biglang binatukan niya to.
"Aray, Naman" napahawak ito sa ulo.Ngayon ngang dragonade na kami. Siguradong marami ng maghahangad na makita ang bagong dragonade. Close na kaming lahat na sampo. Alam ang kwento sa buhay. Kahit pa ang problema sa pagibig. Si harry ay may hinahanap na babae. Babaeng nasaktan niya. Si dragon, ay comatose ang girlfriend. Kaya siya pumayag na maging dragonade ay para dito. Si Zeus, wala, g*go yan. Kahit matanda samin ng dalawang taon. Hindi ko matawag na Kuya. Nanggigil ako eh, umamin ba namang humahanga siya sa Asawa ko.
(Other person pov)
" Buo na ang bagong dragonade, umpisahan na ang pagpaparamdam" sambit ng pinuno namin sa malaking grupo.
And he is my dad. The new boss of our terrorist group.
Nangangati na rin ang kamao ko para talunin ang mga bagong dragonade. Pumunta agad ako sa grupo ko.
" Dhllan ikaw ang mauna, ang unang target. Ang babae sa grupo. Pinakamahina" utos ko.
" No, hindi siya ang una, si Jett ang unahin" singit ni Bryan. " Siya ang baguhan, ako ang gagalaw" tumalikod ito sa akin.
Hinayaan ko na. Alam kong malaki ang galit niya sa Jett na yon.
(Jett pov)Tatlong araw na nakalipas ng nakauwi na kami. Pero hindi pa ako pumupunta kay lolo uli. Matapos ang nangyari samin ni dad.
"RC, sama ka Brad?" Aya ko kay raygen.
" San ba?" Si Coreen ang nagtanong. Andito Kasi kami kila Kuya vladd. Nakahiga Kasi siya sa supa at nakaunan kay raygen.
" Kay lolo, sumama ka na rin" sagot ko.
" Wag na" tanggi ni Raygen.
" Ako sasama" si Coreen na bumangon.
" Sasama na rin ako" pagpayag ni Raygen.Nagmotor kami gamit yung kay Francis at Philip. Nakaangkas si raygen Kay Coreen. Pinagtatawanan ko nga ang uto ehhh.
Malapit na kami ng biglang may humarang na kotse. Kilala ko to. Napababa ako sa motor.
Ang pinsan ko na napababalitang kasama sa isang gang kaya madalas mapagalitan ni lolo. Ayaw din sa kanya nila Tito dahil sa ugali nito at sa inakalang nagawa niyang kasalanan. Kaya ako ang naging paborito ng lahat. Kahit pabugok bugok sa school. Hindi naman ako nakikick out tulad niya. Palagi din siyang nahuhuli na sinisira gamit ko sa bahay ni lolo.
" Look who's the gang now, the good grandson" ngisi nito.
" Hayaan niyo na muna ko" sambit ko kila coreen.
" Goodluck sa pagdating sa bahay, tingnan lang natin Kung sino ngayon Ang papaburan" tawa nito.
"He's a gang" sambit ni coreen.
BINABASA MO ANG
When I Fall to Great One
RandomMaybe you don't understand what is love. Pero ang pagibig hindi lang para sa isang taong nagmamahal sayo. She's a great one, one great love of every one.