~~CHAPTER II~~
(Coreen pov)
Pagkagising kinabukasan, almusal agad.
"may gangwar kayo mamaya?" tanong ni ate.
"opo ate, sorry nga pala kahapon" paghingi ko ng tawad at umupo na.
"susme, magingat ka, ingatan mo rin mga kasama mo, pero may hihilingin ako sayo" sambit niya.
"ano ate? Kahit ano para sayo," tanong ko na may lambing.
"Asus ikaw talaga, para kay ate Chezka mo pero mabuti sigurong ma'am Chezka na at magiging prof mo siya" sagot ni ate,"kilala mo si Raygen diba, ewan ko pero ang sabi ni Chezka ay lokohin mo daw ng magtanda na at mabago ugali, subukan mo daw. Break the playboy's heart, alam ko namang hindi ka mahuhulog dahil wala pang nakakapasa sayo. Sa dami ng sumubok walang umabot na nakarating sa bahay man lang.Ipalilipat kita sa room ni francis" paliwanag niya pa.
"What? Ate hindi pwede, private hindi mo kaya ang gastos don." reklamo ko.
"Sus, si chezka daw bahala don, ano deal ka ba?" tanong ni ate.
"Hindi ko siya lolokin ate, ayokong magaya kay papa, pero gagawa ko ng paraan, mababago ko yon" sambit ko."Coreen, patay na papa natin remember. Paulit ulit ko bang sasabhin sa iyo na tigilan mo na pagbibigkas ng tawag na yan." Seryosong sambit ni ate.
Tinuring na nga naming patay ang ama namin at ayaw na ayaw n ga pala ni ate na binabanggit ang papa.
Magkaiba ang school ng anim sa school ko, private kasi sila at public ako. At pagmamayari ng ama ng bestfriend ni ate ang school na yon. Asuncion university. At yung nga si ate chezka.
Chezka Asuncion, 27 pero kasabayan lang ni ate. Siya ang tipo ng babaeng habulin pero hanggang ngayon nga ay wala paring boyfriend sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi niya pa siguro nakikita talaga ang kasing pursigido na tulad ni kuya Vladd.
Ang kapatid niya ay kilala sa pagiging gentleman playboy. Napakababaero pero ewan ko kung bakit naging gentleman. Wala naman talaga kong pake eh. Sadyang sikat na sikat siya kahit sa school namin. Kahit kasi alam nilang playboy ito ay hinahabol parin nila dahil gwapo nga daw. Nababanggit rin kasi ng gang ko kaya alam na alam ko lahat pero ni minsan ay hindi pa nagtagpo ang landas namin. Nadaanan na namin siguro ang isa't isa pero hindi pa kami nagkausap.Pero sabi ko nga kila Francis ay hindi namin obligasyon ang mga tulad nila. Basta't walang away ay hindi kami makekalam.
(Raygen pov)Sabado asa bahay ako, sa sarili kong bahay na regalo ni mommy sakin bago siya nawala.
Nagtext si jett.
"bro, gala tayo?" from jett.Jett Ballestar, gago oo gagong gago. Siya na kakaisip ng trip namin sa babae. Siya lang naman tagasalo ng bibitawan ko para double kill. Maikli lang buhok pero messy hair na black na black. Kakapakulay lang niya ng black. Maliit lang mukha niya pero sakto lang naman sa katawan niya kaya may itsura parin.
Nagtext back ako ng "K" at agad ng nagbihis. Pero bago pa ako lumabas ng bahay ay napahinto ako sa malaking frame na nakasabit sa gitna ng sala. Ang larawan ni Mommy.
"Sorry Mom, kalangan ko lang masanay na magisa at hindi makatagpo ng tulad mo.
Nakasakay na kami sa kotse ko at nagdrive para gumala. Kung saan saan kami napadpad syempre kasama ang pambobola sa babae.
Napaalis kami sa Park kanina dahil sa manghuhulang pulubi na kung ano ano sinabi kanina. Kaya dumiretso kami sa mall ngayon.
"miss, tulungan kita" malambing kong alok sa babaeng may hawak na grocery.
"ah eh, sige" alam ko namang kinikilig.
Pagkababa ko ng grocery.
"pwede naman bang maging tayo?" kindat ko.
"ta-ta-tayo a-a-gad?" tarantang tanong nito na nahihiya.
"bakit bawal ba?" ngiti ko.
"ahm, bibili pa ako sa taas" saka siya naglakad.
BINABASA MO ANG
When I Fall to Great One
RandomMaybe you don't understand what is love. Pero ang pagibig hindi lang para sa isang taong nagmamahal sayo. She's a great one, one great love of every one.