~~CHAPTER V~~
(Coreen pov)
Kagigising ko lang ng may text ang cellphone ko.
Sino naman kayang abala ito.
Nema!
Ng pagkabasa ko.
"good morning! Eat your breakfast mahal ko, mukha na kong totoong boyfriend mo"
From: raygen mr. playboy
Siya lang pala, hanep. Kung hindi lang talaga kay ate, di ko isinusuko ang pagiging single ko.
Nagbihis ako at pagdating ko sa school.
Nakaabang syempre ang grupo ko.
"rc, si raygen, natutulog sa bench" si mackey.
Pinuntahan ko agad at pinauna na sila sa room.
Umupo ako sa tabi niya.
"bakit ka puyat!" panggugulat ko.
"ayy Coreen!" gulat niya.
Natawa ako!
As in tawa ako ng tawa.
Gulat na gulat kasi siya.
"putcha, natutulog yung tao eh!" inis niya na ginulo niya buhok niya.
Pinigil ko tawa ko, hindi ako makapaniwalang napatawa ako nito ng ganon lang.
"bakit ba dito ka natutulog? At mukhang puyat na puyat ka pa!" tanong ko.
"paano lintik na assignment sa math, papatayin ako, kahirap!" reklamo niya.
"patingin ng lahat ng assignment mo, yari na ba?" tanong ko.
Binuksan niya bag at tumango.May tatlong assignments kasi kami, sa english essay about students problem, sa math ay may sasagutang 1-10 basic calculus, and music isang kanta, dapat partners kami pero sabi niya siya gagawa eh.
Nakita ko yung mga sagot niya sa math, ipinagcompare ko sa sagot ko.
Matalino naman pala. Nasagutan niya lahat at parehas kami ng sagot.
Yung essay magkabilang yellow paper.
Yung kanta, may chords pa.
"tsk, sipag mo." sambit ko.
"kung para sayo naman eh." saka kumindat.
"asus, mahuhulog na ba ako?" ako uli.
"huwag ako muna!" sigaw niya.Pagpasok namin sa room, saka naman dumating ang prof namin. Ang ate niya.
Puro papuri ang natanggap niya dahil eto yata unang beses niyang gumawa ng assignment.
Tapos pinatataas ko kamay niya sa math pagdating ng recitation na. Tiningnan lang siya ng lahat.
"sino ba ang may gawa niyan sayo Mr. Asuncion?" yung baklang prof namin sa math.
"yung dyosang katabi ko sir, kakatakot eh" ngiti niya.
Binatukan ko nga.
"shut up!" sigaw ko.
"sorry" sambit niya.
"napakasweet niyo naman, magtagal sana kayong ganyan" sambit ng prof namin.
Tumahimik na ang prof ko ng tumingin ako.
~~~
Tapos na klase namin.
"pwede ko bang hiramin muna siya?" tanong ni raygen kila philip.
"wala kaming magagawa kung papayag si rc," malamig na pagsagot ni francis.
"babawi na lang ako bukas," at nagsign ako ng 3 sa grupo nila.
Meaning foods yon.
Nagngitian ang mga bwisit.
Pumunta kami sa pagkakapark ng kotse niya.
"ipapakilala kita sa bahay" sambit niya.
"wala sa usapan yan" tanggi ko.
"please na, pupunta rin ako sa inyo" pilit niya.
"nagpapatawa ka ba Raygen, patay ka kay ate, malala pa sakin yon" pananakot ko.
"try me! Mahal ko, paano ka maiinlove sakin kung hindi makikita effort ko?" pagpapacute pa niya.
Ngumiti na lang ako.
"ang ganda mo talaga kapag nakangiti." tapos pinagbuksan ako para makapasok sa kotse.
Sa dami ng nambola sakin at magsabi non. Siya lang nakapagpangiti sakin ng ganito. Bakit ganon?
Stop it coreen. Hindi pwede.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at nagdrive na siya.Pagdating namin sa kanila. Ay may sumalubong sa kanyang lalaki na medyo matanda na.
"sir andito na po ang grandparents niyo." sambit nito.
"this is my butler, james" pakilala niya rito
"hello ma'am, welcome, first time po na nagdala si sir dito ng babaeng ipapakilala sa pamilya niya" sambit nito.
Yumuko lang ako.
Pumasok na kami sa loob at natanaw ko agad ang painting ng babae.
"that's my mom, wala na siya" sambit niya.
Magtatanong sana ako ng lumitaw ang dalawang medyo may edad ng babae at lalaki.
BINABASA MO ANG
When I Fall to Great One
RandomMaybe you don't understand what is love. Pero ang pagibig hindi lang para sa isang taong nagmamahal sayo. She's a great one, one great love of every one.