CHAPTER XVII

1 0 0
                                    

~~CHAPTER XVII~~

(Raygen pov)

Nagising ako at nakita ko siyang nagsisintas ng sapatos.
"good morning mahal ko, aalis ka?" bati ko kasunod na tanong.

Pero hindi siya sumagot at nasagi na lang sa mata ko ang medyo malaking bag at nakabukas ang closet.

Wala na mga damit niya.


Napabangon ako ng husto at hinarang ang pagtayo niya.
"teka sagutin mo ang tanong ko coreen, aalis ka, at bakit kasama ang damit mo, pakiintindi naman please!" pakikiusap ko.
"i'm done with you, tapos na ako. You really fall to me, sana magtanda ka na, this is your ring! I'm done to your foolish heart" saka ibinigay sa kamay ko ang singsing.

Parang nagugunaw ang mundo ko. Unting unting nadudurog ang puso.


"this is not true, it's a joke, hindi to magandang biro Coreen" sambit ko na naikom ang kamay kong hawak ang singsing.
"manloloko ka diba, hindi mo parin gets? Ay oo nga pala, naihulog kita. Sorry, pero kailangan niyo ng karma. All of you see is a joke. Ginamit rin kita sa mga ibang tungkulin ko sa gang, you did the right, so good bye" sambit nito at lumabas sa kwarto ng pasara pinto.

Napaluhod ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, masakit. Napakasakit hindi to totoo, hindi, bakit ganito. Anong nangyayari?

Hindi tama, hindi to tama.

Tumayo ako, kahit unti unting tumutulo ang luha ko. Ang sakit ng dibdib ko, napakabigat ng bawat hakbang ko.

Binubuksan ko na pinto pero
"bnllsh*t! Buksan mo to, coreen! Magusap tayo, ano to, teka, kailangan kong maintindihan! Buksan niyo!!" pagsusumigaw ko pero parang walang nakarinig sakin.
" dad, please buksan niyo to, huwag niyong paalis si coreen!!" gusto ko ng sirain ang pinto. Tuloy tuloy ang pagiyak ko. Para akong batang iniiwan ngayon. Katulad ng sakit ng makita ko si

Mom na unti unting pinapatay ng mga hayop na kalaban nila.
"f*ck! Dad,kailangan kong makausap si coreen. Nagmamakaawa na ako, kailangan kong maiintindihan! Huwag niyo kong ikulong rito!!" patuloy na sigaw ko.

Tinawagan ko ang cellphone niya pero patay. Kahit sino ang tawagan ko, walang sumasagot ng tawag ko.

"hahhh!!!" sigaw ko at tinabig lahat.

(Jett pov)

Paglabas ng pinto ni rc ay inilock niya agad ang pinto. Napaupo na lang siya sahig at bumagsak ang luha niya. Humagulgol siya ng mahina.

Lalapitan sana namin ni kurt pero inawat kami ni tito tristan. Umiling ito samin.

Nagwawala na si raygen. Halos masira na pinto. Sigaw siya ng sigaw pero si rc ay humagulgol na lang sa tapat ng pinto.
"coreen! Bakit mo ko ginanito!" huling narinig namin kay raygen.

Tumayo na si rc.
"dad, bahala na kayo, please, huwag niyo siyang palalabasin ng tatlong araw, hindi siya dapat madamay, pababantayan naman kayo ni kuya vladd dito" bilin nito at lumabas na siya.

(Coreen pov)

"kuya vladd, pwe-de bang pasundo na?!" lumuluhang tawag ko kay kuya vladd.
"sige" sagot ni kuya vladd.

Ilang saglit lang ay sinundo na ako ng kotse nito, kasama si veronica.

Pumasok na ako sa loob ng kotse. Yinakap ako ni veronica.
"tama na, magiging maayos ang lahat" sambit ni veronica.


Tumango na lang ako at hindi namalayang nakatulog sa kotse ni kuya vladd.

(Francis pov)

Napatayo kaming lahat ng makitang buhat ni kuya vladd si coreen na tulog na tulog.

Inakyat agad ito sa kwarto. Ginawa na nga niya siguro ang desisyon niya.

Ilang oras kaming tahimik lahat kahit nagaayos ng mga inpormasyon sa grupo ng rayster real.

Immortal gang and fraternity na siyang nahalap namin nila coreen. Tumawag lang si coreen sa lahat ng grupong natalo namin at nagpasakop ay marami na agad nakakilos para malaman ang nais naming malaman.

When I Fall to Great OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon