"Kuya! Narinig mo ba ang balita?"
Mula sa screen ng aking laptop ay marahan kong inilipat kay Jona ang aking paningin. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang naghihintay sa iba pa nyang sasabihin.
"Pauwi na bukas si Ate Cassandra!" Excited nitong balita.
Nagkibit lang ako ng balikat bago ibinalik sa screen ng laptop ang aking paningin.
"Kuya, hindi ka man lang ba excited sa pagdating nya? After all these years alam kong hinihintay mo parin sya." Lumapit sa aking kinauupuan si Jona bago ihinilig sa aking balikat ang kanyang ulo. Ganito sya kapag naglalambing.
Excited? Pagkatapos ng hearthaches na iniwan nya sa akin?
"Tatlong taon na ang lumipas. At marami na ang nagbago sa mga panahon na yun." Sagot ko.
"Pero...mahal mo parin sya, diba?" Giit nito.
"May girlfriend na ako."
Napatuwid sya ng upo bago nya ako hinarap.
"Pero sya parin ang mahal mo, hindi ba?"
"Jona-"
"Kuya, hindi mo ako maloloko. Alam kong nasaktan ka pero sa tingin ko hindi mo naman sya nakalimutan."
Huminga ako ng malalim bago ko sya pinakatitigan sa kanyang mga mata.
"Let's stop here, okay? Alam kong hindi mo gusto si Melanie but she is my girlfriend now kaya whether you like her or not...kailangan mo syang pakisamahan."
Napaismid sya sa aking sinabi.
"Mind you Kuya! Pero para malaman mo, excited ako sa pagbabalik ni Ate Cassandra. Para sa akin sya lang ang nag-iisa kong Ate at ang babaeng gustong-gusto ko para sa'yo."
Napabuga ako ng hangin bago napatingala sa kawalan.
Masasabi pa kaya nya iyan kapag nalaman nya kung paano kami nagkahiwalay ni Cassandra?
Marahan kong hinilot ang aking sentido nang sumiksik sa aking isip ang sinabi ni Jona.
Sa wakas babalik na sya. At sa wakas ay magkakaroon na ako ng pagkakataon para maipakita sa kanya kung sino talaga si Jury Jade Almoda! Ang lalaking nagpakatanga nang dahil sa kanya!
***
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...