Twenty-six

2K 52 2
                                    

Hapon na nang makauwi kami ni Jury Jade. Kung wala lang sanang aayusin na mahalagang bagay mas gusto kong manatili na muna dito na kasama sya.

Ihinatid nya ako sa bahay at sunduin nalang daw mamaya dahil napagkasunduan namin na sa kanilang mansyon magdinner. Hindi ko maiwasan na hwag kabahan sa isiping makakaharap ko ang kanyang mga magulang mamaya.


Nag-aalalang mukha ng mga kasambahay ang bumungad sa akin nang tuluyan akong pumasok sa loob ng aming mansyon.


"Naku Miss Sandy, mabuti dumating ka! Si Miss Melanie kasi dumating dito at umalis kaagad dala ang lahat ng gamit. Anong nangyari at nasaan pala si Ma'am Bernadette?" Si Divina ang nangahas na nagsalita.

Umalis na dala ang lahat ng gamit? Mabuti naman kung ganoon at hindi na nya hinintay na palayasin ko pa sya mula sa bahay na ito.

"Forget about them. Hindi ko naman sila kamag-anak." Bigay ko ng paliwanag sa kanila.

Nagulat man sa narinig ay nagawa parin nilang tumango dahil sa aking dinaklara.


"Nalinis nyo ba ng mabuti ang dalawang silid na inukopa nila?" Naisip kong itanong.

"Opo, Miss Sandy." Magalang na sagot ng isang kasambahay na nakatuka sa paglilinis ng silid.


"Good." Sagot ko sabay ng marahang pagtango.

Dumeretso ako sa kwarto ng aking mga magulang matapos kunin ang susi ng kanilang silid. Binalot ng katahimikan ang loob ng silid nang tuluyan akong makapasok.

Tinungo ko ang malaking kwadro bago mariing tumitig sa dalawang mukha na parehong nakangiti at animo'y nakatitig pabalik sa akin.


"Ma, Pa..." Sinalat ko ang kanilang mukha sa loob ng kwadro.


"Magpapakasal na ako." Sumilay ang ngiti sa aking labi nagpapahiwatig kung gaano ako kasaya ngayon sa nagiging disisyon ko.

"Magpapakasal na ako sa lalake na labis nyong pinagkakatiwalaan." Napakagat ako sa aking labi. Naramdaman ko ang biglang pagtahip ng aking dibdib.

"Ipapangako ko sa inyo na hindi ko kayo bibiguin! Titiyakin kong maging isang mabuti akong asawa para kay Jury Jade at maging isang mabuting ina para sa magiging anak namin. Titiyakin ko na magiging masaya ang pagsasama naming dalawa habambuhay! Pinapangako ko iyan...Mama, Papa!"


Magaan ang pakiramdam nang lumabas ako mula sa kwarto ng aking mga magulang. Tinungo ko ang sariling silid at balak na doon magpahinga habang hinihintay ang oras kung kailan ako susunduin ni Jury Jade mamaya.

Napaisip ako nang maalala kung bakit wala man lang akong cellphone. Nasaan kaya ang mga gadget ko?

Teresita Pua!! Sinisiguro kong mabubulok ka sa kulungan habambuhay! Usal ko sa isip nang sumagi sa isipan na sya ang may kagagawan ng lahat kung bakit nangyari sa buhay ko ang lahat ng ito.


Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin sa akin ni Jury Jade ang maayos na estado ng aming kompanya. Saka ko nalang pag-isipan ang muling appearance sa company kapag ma-settle na ang plano namin ni Jury na magpakasal. Alam ko rin naman na maasahan ko sya lalo na pagdating sa negosyo.



*


*



*


Huminga ako ng malalim bago bumaba mula sa nakaawang na pintuan ng Range Rover ni Jury Jade.

"Are you okay?" Nag-aalala nyang tanong nang makita ang aking pag-aalinlangan.

"Kinakabahan lang ako. Galit sa akin ang Mama mo dahil sa nangyari noon."

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon