Cassandra's POV
Five year's later....
*
*
*
"Daddy, hindi pa ba tayo aalis?" Nayayamot na tanong ni Callen. Ang panganay namin ni Jury. Our beautiful daughter.
"Magagalit na si Grandma, ang tagal-tagal natin!" Dagdag nya habang nakadukwang sa harapan ng kanyang Daddy na ngayon ay abala sa harapan ng computer.
Hindi ko na mabilang kung nakailang beses na nya itong nasabi mula pa kanina.
"Baby." Mula sa computer ay lumipat sa akin ang mga mata ni Jury Jade.
"Mmm?" Nakangiti kong sagot habang nakaupo sa dulo ng sofa sa may library room na kung saan dito sya nagtatrabaho kapag nasa bahay.
"Matagal pa ba si Jona?" Seryoso nyang tanong.
"On the way na daw." Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong phone. Nagpapatunay na ka-chat ko ang kanyang kapatid.
Marahan syang tumango bago inabot ang mukha ni Callen at kinintalan nya ito ng halik sa noo.
"Your Tita is coming. Susunduin nya kayong dalawa ng kapatid mo." Malambing nyang sabi sa apat na taong gulang naming panganay na anak.
Excited na tumayo ng tuwid si Callen bago patakbong lumapit sa kinauupuan namin ni Jaze. Ang kanyang bunsong kapatid. Our two years old son.
"Malayo pa ba sya, Mommy?" Ngayon napunta na sa akin ang buong atensyon ni Callen.
"Malapit na siguro, antayin nalang natin at darating na yan mamaya."
Sa buhay na puno ng kulay at sa pamilya na ang pundasyon ay ang pagmamahal at pagtitiwala sa isat-isa. Sa kabila ng dilim ay nahanap ko din ang liwanag sa pamamagitan ng pinakamamahal kong asawa.
Ang disisyong pinili na makasama sya habambuhay ang nagbigay daan sa akin para mahanap ang tamang landas na tinatahak.
Bumukas ang pintuan ng library room at iniluwa nun ang nakangiting si Jona.
"Hello!! Ready na ba ang mga pamangkin ko?" Masaya nyang pambungad.
"Yehey!" Napatalon sa tuwa si Callen nang makita ang pagpasok ni Jona sa silid.
"Kanina pa, Tita." Sagot ni Callen.
Nag-unahan sa paglapit ang dalawa habang pareho naman silang niyakap at hinalikan ng kanilang Tita Jona.
"Kayo Ate, hindi pa kayo nakapaghanda? Sermon na naman ang mapapala nyo galing kay Mama." Baling nya sa akin.
Inginuso ko ang pwesto ng kanyang Kuya na ngayon ay abalang-abala parin sa ginagawa.
"Kuya.." Nakuha naman nya ang ibig kong sabihin.
Saglit syang nilingon ni Jury Jade bago sumagot.
"Hindi kami mahuhuli, Jona. I promise." Kaagad nyang sagot kahit na wala pa namang sinasabi si Jona.
"Okay, siguraduhin nyo lang." Balewalang sabi ni Jona bago nya inasikaso ang mga anak ko.
"Kids,lets go?" Baling nya sa dalawa na ngayon ay handang-handa ng umalis.
Tumayo ako at binigyan ng goodbye kiss ang dalawa bago ko sila iginiya sa pwesto ng kanilang Daddy. Pareho din silang hinalikan ni Jury bago ko hinatid kay Jona.
"Ingatan mo ang mga bata, Jona." Paalala nya sa kapatid.
"Noted, Kuya!" Sagot ni Jona bago nagpaalam at tuluyan ng lumabas.
Imbes na bumalik sa kinauupuan ay naisipan kong istorbohin nalang sa kanyang trabaho si Jury. Lumapit ako sa study table at umikot papunta sa kanyang likuran. Marahan ko syang niyakap mula sa kanyang likod bago ko pinahinga sa ibabaw ng kanyang balikat ang aking baba.
"Hindi pa ba matatapos yan?" Malambing kong tanong bago inabot ang kanyang mukha para kintalan sya ng halik sa kanyang pisngi.
"Malapit na baby, may nire-review lang ako." Sagot nya ni hindi man lang lumingon.
"Hindi pwedeng ipagpabukas nalang? Jury, birthday ng Mama mo ngayon kaya hindi sya pwedeng magtampo. You know, hindi mo namamalayan ang oras mamaya mahuli pa tayo sa pagdating. Mababadtrip na naman iyon." Mahaba kong lintanya.
Huminga sya ng malalim at sa huli ay binigay na din nya sa akin ang kanyang atensyon.
"Si Callen, ikaw si Jaze... kayong tatlo ang pinakamakulit sa buhay ko. Ni wala akong natatapos na trabaho kapag nandito sa bahay." Reklamo nya.
"Pero mahal na mahal mo naman?"Segunda ko sa kanyang sinabi.
Bahagya syang ngumiti at marahang pinaikot ang swivel chair na inuupuan. Sa isang iglap ay namalayan ko nalang ang sarili na nakaupo na sa kanyang kandungan.
Mahigpit akong nakayapos sa kanyang leeg habang nakapulupot naman ang matitigas nyang braso sa aking katawan. Mariin kaming nagkatitigan bago walang babala nya akong kinuyumos ng mapusok na halik sa aking labi.
*
*
*
Nasiyahan naman ako dahil maaga kaming nakaalis mula sa bahay. Pero ang pagmamadali na marating ang kanilang mansyon ay biglang nawala sa isip namin nang mapadaan kami sa direksyon kung nasaan yung puno na lagi naming pinupuntahan noon.
Pumarada sya sa tabi ng kalsada at magkahawak kamay naming tinungo ang makipot na daan papunta sa puno.
Ang tuyong dahon at kulay berdeng damo sa lilim ng puno ay parang nag-aanyaya. Kaya sumilong kami doon at naupo. Sumandal ako sa malaking katawan ng puno habang nakahiga si Jury Jade at komportableng nakapatong sa aking hita ang kanyang ulo.
Mariin syang nakatitig sa akin habang hindi naman mawala-wala ang ngiti sa aking labi.
"Naalala ko, dito tayo kapwa umamin sa totoong nararamdaman natin and-"
"I love you," Putol nya sa aking sasabihin.
"And-"
"I love you, baby." Muli nyang putol sa aking sasabihin.
Napalunok ako ng mariin bago ko sinuklay ng aking daliri ang may kahabaan na nyang buhok.
"And i.....truly.......truly........love you, Jury Jade!" Wala na akong ibang madugtong sa sasabihin kaya iyon nalang.
💚💚💙💙💝END💝💙💙💚💚
Author's note:
Sa lahat po ng sumubaybay sa kwentong ito mula simula hanggang dulo..
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat!
💙LavenderLace💙
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...