Nine

1.3K 41 0
                                    

"Ate, wala ka ba talagang gustong bilhin?" Saglit akong nilingon ni Jona habang abala ang kamay sa pagpili ng mga naka-hanger na damit.


"Wala, pumili ka nalang ng gusto mo. I'm fine here."


Bukod pa sa wala kasi akong perang dala...hindi ko rin naman alam kung ano yung dadamputin ko. Lalo na at nakaka-intimidate itong lalaking nasa gilid namin habang tulak ang pushcart.


Katunayan nyan, pinapauwi na sya ni Jona pagdating at pagdating namin kanina. Baka sakaling mayroong daw itong appointment. Pero mas pinili nitong magtulak nalang ng pushcart kaysa iiwan kaming mag-isa ni Jona dito.


Wala sa sariling napalingon ako sa kanyang kinatatayuan habang kalma lang sa paghihintay sa kanyang kapatid na matapos. Bahagya pa akong napakurap nang mamalayan kong sa akin pala sya nakatitig. Hindi ko maiwasan na hindi mapanguso at mapairap. Bakit ba sya naninitig?


Pagkalabas namin at naghahanap naman ng ibang boutique na papasukin si Jona ay hindi maiwasan na nagkakasabay kami sa paglakad ni Jury. Hininaan ko ang paghakbang para mauna sya sa akin sa paglakad pero ganoon din ang ginagawa nya. Kung bibilisan ko naman ang paghakbang para malampasan sya ay mas lalo nyang bilisan ang paglakad para maabutan ako.


Kaya wala akong nagawa kundi sabayan nalang talaga sya sa paglakad. Hayyy...bakit ba kasi ako naiinis? Hindi naman ako naiinis sa kanya. Kundi naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko kasi kayang kontrolin yung kaba na nararamdaman ko lalo na ngayon. Ang lapit-lapit nya!


Wala naman syang ginagawa, for God sake! Pero bakit ganito?

Oh! Baka nakalimutan mo Sandy na hinalikan ka daw nya kahapon. At sa kung paano nya tinitigan ang nakaawang na hita mo kanina!! Duu... ngayon sabihin mo na wala syang ginagawa?


Hooo... kamuntikan ko ng paypayan ang sarili kahit na nga ba nanginginig na ako sa lamig gawa ng malakas na aircon dito sa loob ng mall!


Para ma-divert ang aking atensyon at pag-iisip ay wala sa sariling nagtitingin na rin ako ng mga item sa nadadaanan namin. Mas lalong nagkaroon ako ng interes nang pumasok kami sa shoes section.


Lumapit ako sa isang sport shoes na naka-display malapit sa may pintuan. Nagustuhan ko iyong design lalong-lalo na ang combination color nito na white and dark blue. Kung may pera lang sana ako talagang kukunin ko ito, kaya lang—


"Gusto mo ba?"

Muntik na akong mapalundag sa gulat nang bigla syang lumapit at magtanong. Saglit ko syang liningon bago ako sumagot.


"Hindi, tinitingnan ko lang." Pagkakaila ko bago ako lumayo mula sa kanyang tabi at kaagad na inaninag si Jona sa may counter. Sa dami kasi ng customer ay halos hindi ko na makilala ang kaibigan.


Napansin kong napatingin sa kanyang suot na wristwatch si Jury habang hinihintay ang paglapit ng kapatid sa kinatatayuan naming dalawa.

"I'm done!" Nakangising sabi ni Jona nang tuluyan ng makalapit.

"It's lunch time already, saan nyo gustong kumain?" Nakatuon kay Jona ang kanyang atensyon.


"Look Kuya...mauna ka na kung nagmamadali ka-"


"Tinatanong ko kung saan nyo gustong kumain,Jona. Kung gusto nyo dadalhin ko kayo sa fine restaurant at doon na tayo mag-lunch?" Putol nito sa sasabihin ng kapatid.


Marahang inayos ni Jona sa loob ng pushcart ang bitbit na paper bag bago nya ako hinawakan sa aking braso.


"Ayaw pa kasi naming lumabas, Kuya! Ang aga pa at saka napagplanuhan namin na dito nalang kakain. Marami namang mapagpiliang fast-food chain sa taas?" Ihinilig nya ang kanyang ulo sa aking balikat bago itinuon sa kapatid ang paningin.

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon