"Ano ba ang pinag-uusapan ninyo ni Kuya kanina at mukhang napakaseryoso ninyong dalawa?" Tanong kaagad ni Jona nang magsimula ng umusad ang sasakyan.
Nagkibit ako ng balikat at tinanaw ang labas. "Wala." Maikling sagot ko.
"Wala? Eh kulang nalang magtukaan kayo kanina, ah!"
Marahas akong napabaling sa kanya. "Paanong nagtukaan?" Gulat kong tanong.
Malakas na hagalpak ng tawa ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Napalingon tuloy si Manong driver.
"Jona, wala naman talaga kaming pinag-usapan. Pinaalala lang nya sa akin yung ginawa kong pagsampal sa kanya diumano kahapon. Siguro, hindi ako nakapag-sorry?"
Hindi matigil-tigil ang pagtawa ni Jona at nang mahimasmasan ay saka ito nagsalita.
"Bakit ka naman magso-sorry sa kanya? Kasalanan nya kung bakit ka nya hinalikan!" Pabulong nyang sagot.
Namilog ang aking mga mata dahil sa narinig. Nagbibiro lang itong si Jona, hindi ba?
"H-hinalikan nya ako?" Nagpa-panic kong tanong.
"Mmm...kwento mo sa akin. Naabutan ko kayong dalawa sa loob ng veranda kahapon. Hindi ba galing tayo sa bahay kahapon? Kaya, doon naganap ang pagtutukaan ninyong dalawa." Natatawa nitong saad.
Napahawak ako sa aking sentido. Pakiramdam ko kasi biglang nanikip yung ulo ko. At may gana pa akong nagpasalamat kanina dahil pinaalala lang naman nya sa akin ang ginawa kong pagsampal sa kanya? Haist! Kainis na lalaking iyon ah!
Hanggang sa humimpil na ang sasakyan sa harapan ng bahay nila Jona at kahit na magkasunod kaming pumasok sa loob ay hindi parin nawawala ang pagka-badtrip ko.
"Saan ang mga magulang mo?" Nagtataka kong tanong nang mapansin ang katahimikan ng bahay.
"Nasa mansyon." Maikling sagot ni Jona at bahagya pa akong nilingon.
"Ah, kanino palang bahay ito?" Wala sa sarili kong tanong bago huminto sa paghakbang nang mapatapat ako sa loob ng maliit na sala.
Lumipad ang aking paningin sa dingding na kung saan nakasabit doon ang malaking frame. Hinangaan ko kaagad ang nakapintang puno roon.
"Sa magiging asawa mo sana! Ano ba? Tigilan mo ako, Ate ah?" Nakapameywang na ngayon sa aking harapan si Jona.
Mula sa painting ay nabaling sa kanya ang aking paningin. Nakataas ang kilay at ngayon ay titig na titig sya sa akin.
"Sawang-sawa na ako sa pag'a-analyze sa inyong dalawa. Kahapon hanggang ngayon wala kang ginawa kundi suriin ang malaking frame na yan. At kung si Kuya Jury naman ang nasa loob ng bahay na ito. Minsan naaabutan ko pa na nakatulala habang nakatitig din sa frame na yan. Mag-usap nga kayong dalawa at para magkaliwanagan sa isat-isa?"
Napakurap-kurap ako at nangangapa ng sasabihin. Hindi makuha ang ibig ipahiwatig ni Jona sa akin.
Anong mayroon sa amin ni Jury?
"Mayroon ba kaming dapat pag-usapan?" Seryoso kong tanong.
"Si Kuya ang tanungin mo dahil kayong dalawa naman ang may problema." Sagot ni Jona bago nya ako tinalikuran.
Saglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago ko sya sinundan. Nadatnan ko syang gumagawa ng sandwich sa loob ng kusina.
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...