Fourteen

1.3K 40 0
                                    

Inis akong lumayo mula sa bintana bago mabilis na hinakbang ang pintuan ng aking silid. Si Divina kaagad ang bumungad sa akin. Halatang hinihintay ang aking paglabas.


"Miss Sandy, nakahanda na po ang inyong agahan. Kung gusto nyo na pong kumain tatawagan ko si Miss Melanie sa labas kasi hinihintay nya ang iyong paggising para sabay na daw kayong kumain. Ang Tita Bernadette nyo naman po, nasa office na sya at maagang umalis kanina."


Mataman kong tinitigan si Divina habang nagsasalita. Saan nanggaling ang pangalang Sandy samantalang ang pangalan ko ay Cassandra?

Hindi ako kumibo kahit na nga ba hinihintay nya ang aking sagot. Tinungo ko ang hagdan at mabilis na humakbang pababa. Dere-deretso akong lumabas ng bahay at tumuloy sa hardin na kung saan doon nakaupo sina Jury at Melanie.

Kaagad na tumayo si Jury nang makita nya akong papalapit. Napansin kong napalingon din si Melanie at walang babalang tumayo na rin. Hindi ko tinapunan ng paningin si Melanie. Na kay Jury ang buong atensyon ko.


Huminto ako sa paghakbang nang makalapit sa kinatatayuan ni Jury. Tiningala ko sya at tinitigang mabuti. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito— kasi naging bahagi pala sya ng buhay ko!


With a gentle look, nagtatanong ang kanyang mga mata habang mariin ding nakatitig sa akin.


"Si Jona?"

Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagkagulat ni Melanie. Hindi nya siguro inaasahan ang pangalang binanggit ko.

"May pasok sya ngayong araw." Marahang sagot ni Jury.

Tumango ako bago sila tinalikuran. Malalaking hakbang ang ginawa ko habang tinutungo ang garahe. Napangiti ako nang makita ko doon ang paborito kong mountain bike na ginagamit ko noon. Mabuti naman at hanggang ngayon ay nandito pa itong bisekleta ko.


Nang maayos na akong makasakay sa ibabaw ng bisekleta ay saka ko iyon pinatakbo. Tarantang humabol sa aking likuran si Melanie habang tinatawag ako.


"Sandy! Hindi ka pwedeng umalis ng mag-isa maliligaw ka!" Dinig kong sigaw nya.


Hindi ko sya inintindi basta wala akong preno habang tinutungo ang bungad ng malaking gate.


"Jury Jade! Hindi pwedeng makalabas si Sandy, may Alzheimer sya hindi sya marunong umuwi.. hindi sya nakakaalala!!"


Dinig na dinig ko pa ang tarantang hiyaw ni Melanie bago ako tuluyang nakalabas. Hindi ako tumigil at mas lalo ko pang binilisan ang pagpedal ng bisekleta habang sariwa sa aking isip ang direksyon na gusto kong puntahan!


Nakahinga ako ng maluwag nang mabungaran ang malaking puno pagkatapos ng dalawampung minuto sa daan.


Itinabi ko ang aking bisekleta bago hinakbang ang lilim ng puno na sumagi sa aking alaala kanina. Sa aking pagtingala ay panibagong alaala na naman ang hindi ko inaasahang sumariwa sa aking utak.



Masaya at magaan ang pakiramdam nang umuwi ako sa bahay. Dahan-dahan kong inakyat ang hagdan habang binabalikan sa isip ang naganap na engkwentro sa pagitan namin ni Jury kanina. Napahawak pa ako sa aking labi nang maalala ang unang halik na pinalasap nya sa akin.



"Matagal ng nakompirma ang pagkamatay ng kapatid kong si Bernadette. Bago mawala si Papa nalaman nya mula sa investigator na hindi nakalabas mula sa gusali ang aking kapatid bago nangyari ang sunog. Hindi man na-detect ang katawan ng mga biktima pero nakita sa CCTV na naka-konekta sa labas ng gusali kung sino ang mga tao na naroon. At kasapi si Bernadette doon."

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon