Four

1.6K 62 0
                                    

Kahit na hindi ganoon kalaki ang bahay ay malinis at maayos naman ang loob nito. Iyon kaagad ang napansin ko nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay.


Tama lang talaga sa pangdalawahang tao. Jury is responsible man kasi naman naisipan na nyang bumukod kahit na wala pa syang asawa. Napangiti ako nang biglang maisip iyon.

Nakuha ng aking atensyon ang malaking frame na nakasabit sa dingding sa bandang kanan ng sala. Kunot- noo kong nilapitan ang malaking frame at wala sa loob na inaanalisa. Isang malaking puno iyon pero ang ganda ng pagkakapinta. Napakagat ako sa aking labi nang mabasa ang maliliit na letra sa ibabang bahagi ng frame.


C and JJ first date together..

Iyon ang nakasulat doon at nakabandal din ang anim na numero sa dulo. Hindi ko matantya kung petsa para saan iyon. Marahil ang tanging may gawa lamang nito ang nakakaalam.


"Hmmm...missing something?"

Muntik na akong mapatalon nang biglang magsalita si Jona mula sa aking likuran. Bahagya ko syang nilingon at kaagad kong napansin ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.


"Maganda diba? Sabagay...sketch mo yan, eh!"

Napakurap ako bago hindi makapaniwalang itinuro ang sarili.

"Sketch ko?" Gulat kong tanong.

Tumango sya bago humakbang palapit sa aking tabi. Itinuon nya ang kanyang atensyon sa malaking painting bago muling nagsalita.


"Oo, sa pagkakatanda ko ikaw nga ang gumuhit nito at si Kuya Jury ang nagpinta. Bakit? Gaaano ba katagal ang tatlong taon para makalimutan mo iyon?"


Sa pagkalito ng isip ay tanging pag-awang lang ng aking labi ang tangi kong nagawa. Hindi ako makapaniwala buhat sa narinig. Mas iisipin kong nagbibiro lang sya sa kanyang sinabi pero natigilan ako nang malingunan ko sya sa seryosong anyo.


"Imahinasyon lang ba ito? O, totoong mayroong ganitong puno?" Subok kong tanong.

Nagkibit sya ng balikat bago ipinlig ang ulo.


"Mmm...i don't know.. kayong dalawa lang naman ang nakakaalam nyan since kayo ang laging magkasama."

Ngayon para akong nabuhayan ng ulirat. Sa mga panahong nagdaan pakiramdam ko isa akong manhid. Walang maramdaman dahil ni katiting na pangyayari sa buhay ko ay hindi ko maalala.


Kung lagi kaming magkasama ni Jury noon. Ibig bang sabihin malapit kami sa isat-isa? Like a best friend?

Iyon lang talaga ang posibleng naiisip ko dahil hindi naman pwedeng hihigit pa doon kasi girlfriend nya si Melanie.

Magkaibigan kami.. sigurado ako doon.

Dahil wala naman akong maisabad sa usapan ay nagawa ko nalang mapatango at alanganing ngumiti. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o ano dahil sa narinig kong kwento mula kay Jona.


"Ah,Ate...okay lang ba kung maiiwan kita saglit? Mag-quick shower lang ako sandali at magbihis. Sa pagmamadali ko kasi kanina ay hindi na ako nakaligo muna. Kainis naman kasi si Kuya ang aga nyang pumunta sa mansyon nyo. Hindi naman halatang excited siya, hindi ba?" Humalakhak si Jona matapos magsalita.


Napangisi ako hindi dahil sa kanyang sinabi kundi nadala ako sa malakas nyang pagtawa. Napapailing nalang ako bago sumagot.


"Okay lang...maghihintay ako dito."


When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon