Eighteen

1.3K 34 2
                                    

Jury Jade's POV



She likes me...very much! Yun ang naging impression ko sa kanya, dati pa. Kaya naman naging kampante ako dahil gusto nya ako.


Sa amo ng kanyang mukha at sa ganda ng kanyang mga mata na animo'y laging nakangiti kapag tinititigan ka. Minsan yun ang dahilan kung bakit palihim ko syang sinusulyapan. Sa ganda nyang nakakahipnotismo. Pakiramdam ko nawawala ako sa aking sarili.


Wait until you turn eighteen and i promise that you will be mine!



Mahilig sya sa drawing na ewan kung ginagawa lang nya ito para lagi akong makasama sa loob ng aking painting room? O, talagang nakahiligan nya ang pagguguhit.


Masaya akong kasama sya palagi. Nasanay ako sa kanyang presensya. Kaya naman sa mga panahon na bigla nalang syang hindi sumasama sa kanyang mga magulang papunta sa bahay ay parang nawalan ako ng lakas. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Wala namang kinikwento sa akin si Jona.


Salamat sa mga kliyente namin na ako ang pinapapunta ni Papa. At salamat sa madaldal kong kapatid na panay ang bigay ng hindi kompletong impormasyon para kay Cassandra dahil nalaman kong nagseselos sya.


Yun ang mga panahon na nalaman kong mahal nya ako. See that? Mahal nya ako! Ayaw nyang may kasama o may kausap akong iba. Nagseselos sya dahil mahal nya ako.

Sa kanyang kilos, sa kanyang pananalita at sa bawat titig na ibinibigay nya sa akin...nararamdaman ko. She's in love with me.


Kaya hindi ko maintindihan...paano nya ako nagawang takasan.....paano nya ako nagawang iwan sa mismong araw ng engagement party naming dalawa?

Napagod na ba sya? Gusto nya munang magpahinga? Gusto nyang magkaroon ng sandaling katahimikan? O, hindi na sapat ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya? Ano pa ba ang gusto nyang gawin ko? Kung ano man ang dahilan nya sana sinabi man lang nya sa akin! Para...maayos ko ang lahat ng ito.


Kung may pagkukulang ako, pupunan ko iyon. Kung may pagkakamali akong nagawa, itutuwid ko iyon. Kung gusto nya ng space, hindi ko ipagkakait sa kanya iyon. Lahat...uunawain ko para sa kanya. Hwag lang syang mawala! Hwag lang lumayo ang kalooban nya sa akin.

Hwag yung ganito! Na bigla nalang syang maglalaho na hindi ko alam ang dahilan!


Dumaan na ang maraming araw, hindi ko namalayan na isang taon na pala ang lumipas simula nang lumisan si Cassanda. Na ni hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nagtungo. She's nowhere to be found! No text. No call.


Kapag tinatanong ko si Tita Bernadette ang sagot nya ay maayos naman daw si Cassandra. Nagpapalamig lang ng ulo at babalik din iyon. Hwag ko ng istorbohin dahil gusto nyang mapag-isa muna.

Okay, intindihin ko ito dahil— mahal ko sya. Gusto nyang mapag-isa? Sige... tutal, babalik naman sya sa akin. Uunawain ko ito. Kahit na nga ba ang hindi nya pagsulpot sa engagement party namin ay nang-iwan ng kahihiyan sa aking pamilya. Lahat kami nagmukhang tanga sa gabing iyon. Pamilya ko, ang pagkatao ko at higit sa lahat yung ego ko— nalugmok dahil inapakan nya.


Pero ayos lang.... tutal babalik naman sya. Babalik sya— sa piling ko.


"Melanie is beautiful and smart, Son. I like her." Si Mama nang bigla nalang akong katukin sa loob ng painting room ko.

Hindi ako kumibo. Ano naman kung gusto nya ang babaeng iyon? Bakit pa nya kailangang sabihin sa akin? I don't find her beautiful, though. Malayong-malayo sa ganda ng babaeng itinatangi ko.


"Nanghihina ako sa bawat araw na nakikita kitang ganito kalungkot. Forget about her. She's not good for you anymore! Mas lalo kang masasaktan kapag nagpatuloy kang umasa. Hindi mo alam kung anong pinagagawa nya sa likod mo. I don't trust her anymore, Son."


What? Paano nya nagawang sabihin iyan sa babaeng simula't- sapol ay minahal na nya at nagustuhan para sa akin? I just can't believe this!


"I want Melanie to be your girlfriend, gusto ka nya kaya alam kong hindi ka masasaktan sa piling nya."


"Ma!" Ni minsan ay hindi ko napagtaasan ng boses si Mama, ngayon lang.

Sa pagkagulat ay biglang napahawak sa kanyang dibdib si Mama kaya doon ako nataranta. Tumayo ako at kaagad syang dinaluhan.

"Ma, are you alright?" Tanong ko bago sya inaalalayan paupo sa sofa.

Umiling si Mama bago sumagot. Sagot na nagpayanig sa akin.

"Mahina ang puso ko, anak. Sumasama ang pakiramdam ko kapag nagagalit at nagtatampo ako. Jury Jade...isang pabor lang ang kailangan ko, bigyan mo ng pagkakataon si Melanie. Ayokong mawala sa mundong ito na nakikitang ganito ka-miserable ang buhay ng anak ko nang dahil lamang sa isang walang kwentang babae." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Napakuyom ako ng mahigpit sa aking kamao. Habang tinititigan si Mama, i feel defeated. Naalala ko si Tita Carol. Mayroon syang heart failure na syang dahilan ng ikinamatay nya. At ayokong may mangyaring masama kay Mama na ako ang syang dahilan. Baka hindi ko mapapatawad ang sarili ko.


Sige, susubukan ko. Kahit hindi para sa akin— kung hindi para kay Mama.


"Baliw ka na ba, Kuya!" Sigaw ni Jona. Kagagaling lang nya sa school at ito kaagad ang pinambungad nya sa akin.

"Paano si Ate Cassandra? Ganyan lang kababaw ang pagmamahal mo sa kanya? Ni hindi mo pa nga inalam kung ano ang dahilan ng biglaan nyang pag-alis tapos heto ka, boyfriend na ng— pinsan nya?"

Marahas akong napa-facepalm. Ni hindi ko na nga alam ang gagawin ko, at heto pa ang kapatid ko...nagagalit sa akin.

"I'll move out from this house. Sa bahay mo ako titira."

"Jona, nag-aaral ka." Kalma kong sinabi.

"Eh ano kung nag-aaral ako, Kuya?Gusto kong doon ako titira na kasama mo. At hwag na hwag kang magkakamaling magdala ng babae doon! Isusumpa kita!"

Napatawa akong bigla sa kanyang tinuran. Sinong babaeng pinagsasabi nya? Sa sobrang abala ko sa trabaho...may panahon pa ba ako para doon? No wonder na magkaibigan nga sila ni Cassandra. Laging nag'o-overthink.

"Look, how happy Cassandra is!" Inabot ni Melanie sa akin ang hawak na cellphone para ipakita ang larawan doon.

Halos mapaahon ako mula sa upuan pagkarinig ko sa pangalang binanggit nya. Oh God! How i missed her!


"She's engaged with a European guy."

Biglang nawala ang excitement na bumalot sa aking puso nang sandaling mapadaan ang aking mata sa screen ng cellphone. I saw Cassandra smiling with a guy beside her! Nanghihina kong naibaba ang hawak na cellphone. Para akong nawalan ng lakas.


Funny... Ako dito, wala ng ginawa kundi ang magpakalugmok sa kalungkutan. Samantalang sya, nagpapakasaya pala doon kasama ang ibang lalaki?

How come na umabot pa ako sa ganito katagal para hintayin ang pagbabalik nya? Sa isiping babalik at babalik parin sya sa piling ko?


Huh...napatawa ako sa katangahan ko. Balang araw babalik ka rin. Balang araw pagsisihan mo ang ginawa mong pagtalikod sa akin, Cassandra.


***

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon