Marahan kong binuksan ang pintuan ng aking silid at nanghihinang naupo sa may gilid ng aking kama. Ang sabi ni Tita Bernadette bago ako umakyat kanina na ipapahatid nalang daw dito ang aking dinner dahil hindi ko sila makakasalo sa pagkain at may event silang dadaluhan ngayong gabi.
Natuon sa paper bag na dala ang aking atensyon. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng komosyon nang dahil lamang sa sapatos na ito. Binuksan ko ang box matapos kong ilabas iyon mula sa paper bag. Napanguso ako nang tuluyang tumambad sa aking harapan ang pares ng sapatos. Sapatos na gusto kong bilhin kanina pero wala naman ipambili.
Sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung paano ko nagustuhan. Basta gustong-gusto ko yung design at ang kulay nito. Ibinaba ko iyon sa sahig para masukat sa aking paa. Pero laking pagkamangha ko nang matanto kong eksaktong-eksakto iyon sa aking paa!
Paanong nalaman ni Jury ang tamang sukat ng aking paa? Kung hindi ako nagkakamali tinitingnan ko lang ito kanina at ni hindi ko man lang nahawakan. Lito sa pag-iisip ay muli kong hinubad ang sapatos bago tumayo at hinakbang ang walk-in closet na kung saan doon nakalagay ang estante ng aking footwear.
Saktong paglabas ko mula sa walk-in closet ay sya namang pagpasok ng isang babae na nakasuot ng puting uniporme—kakaiba sa suot ng mga kasambahay.
"Miss Vicenza, oras na po sa pag-inom nyo ng gamot."
Natigilan ako at biglang napaisip. Kaagad kong naalala ang pinunit kong papel kaninang umaga. Kung hindi ako nagkakamali, nakasaad doon na hindi ako iinom ng gamot. Ngayon ko lang naisip na kaya pala isinulat ko iyon dahil may magbibigay sa akin ng gamot.
Humakbang akong papalapit sa kanya at hindi ko na sya hinintay pa na makalapit sa akin. Kaagad kong kinuha ang isang pirasong tableta mula sa lalagyanan at mabilis ko iyon isinubo kasunod ang pagdampot ko ng baso ng tubig para makainom. Ngumiti ako nang maibalik ko sa hawak nyang tray ang baso na ginamit ko.
"Salamat po at lalabas na ako." Magalang nyang paalam.
Isang marahang tango ang pinakawalan ko bago hinintay ang kanyang paghakbang palabas ng pintuan. Kulang na lamang ay itulak ko syang palabas at para makaalis na! Nang tuluyan nyang maisara ang dahon ng pintuan ay saka pa ako kumilos.
Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng comfort room. Deretso ako sa anidoro at mabilis na iniluwa doon ang gamot na hindi ko naman nilunok. Pagkatapos kong i-flush ang tubig ay saka ako nakahinga ng maluwag.
Naisipan kong maligo na rin kaagad para matapos ang daily routine ko bago matulog. Pagkalabas ko mula sa banyo ay naghihintay na ang aking dinner na maayos na nakapatong sa maliit na mesa katapat ng mahabang sofa sa may paanan ng aking malaking kama.
Nagbihis muna ako at nag-blow dry sa basa kong buhok bago ko naisipang kumain. Muli akong pumasok sa loob ng comfort room para makapagsipilyo at magdisisyong matutulog na pagkatapos.
Inaayos ko na ang aking sarili para mahiga nang muling bumukas ang pintuan. Nakita kong si Divina ang pumasok. Kukuha lang siguro sa tray na pinagkainan ko. Pero muli akong napaayos ng upo nang makitang may nakasunod kay Divina.
Tuloy-tuloy sya sa paghakbang hanggang sa makalapit sa aking harapan. Inantay nyang makalabas si Divina bago sya nagsalita.
"Matutulog ka na?" Kunot-noong tanong ni Jona sa akin.
Hindi nakaligtas sa aking paningin kung gaano sya kapormal tingnan sa suot na puting pantsuit. Anong meron at kaagad syang napasugod dito at sa ganitong ayos pa?

BINABASA MO ANG
When there Was you
Chick-LitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...