Six

1.4K 47 1
                                    

Nagtatapos ang hapon na iyon sa pangungulit at pang-aasar ni Jona. Tulad nang pangako nya kay Tita Bernadette ay muli nya akong ihinatid sa mansyon bago pa magtakipsilim.


Pero pakiramdam ko hindi parin sapat yung ilang oras na ginugol namin sa pagkukwentuhan dahil heto sya at sumama paakyat sa aking kwarto at malayang dumapa sa aking kama. Kulang nalang ay magpaalam sya na dito narin matutulog.


"Anong gagawin mo bukas?" Tanong nya nang umahon mula sa pagkakadapa.


Umiling ako dahil hindi rin naman ako sigurado kung ano ang mangyayari sa buhay ko pagdating ng bukas.


"Wala pa akong pasok bukas, kung wala kang gagawin...samahan mo nalang akong mag-shopping? May bibilhin lang ako." Nakalabi nyang sabi.


Huminga ako ng malalim bago nag-iisip ng sasabihin.

"Papayagan kaya ako ni Tita Bernadette?"


Tumaas ang kilay ni Jona at lumabas na naman ang katarayan. No wonder magkapatid nga sila ni Jury. Tss..


"Really? Kailan ka pa natutong hintayin ang disisyon ng iba, Ate? Kasi ang Sandy na kilala ko ay walang pakialam sa mga taong nasa paligid nya! Hello.... no body can ruled your life before!"


Napaawang ang aking bibig nang marinig ang kanyang lintanya. Ibig sabihin— carefree ako dati?


"Really..." Mahina kong tugon. Hindi makapaniwala.


"Hayyy, parang gusto ko nang matulog dito."


Lumapit ako sa gilid ng kama bago naupo paharap sa kanya. Napangiti ako nang marinig ang kanyang sinabi. Kani-kanina lang naiisip ko iyon pero ngayon bigla nalang nyang nasabi iyon.


"Eh, di....dito kana matulog." I trailed off.

Napakagat sya sa kanyang labi bago sumagot. "Hindi pwede...hindi kasi ako nakapagpaalam kay Kuya. Hindi sya sanay na natutulog ako sa ibang bahay. Baka mamaya magsumbong kila Mama at mapalayas ako nang wala sa oras. Alam mo na hindi ako malaya kapag nasa mansyon. My Mom is scarier...you know. But we love her though... takot nalang namin kay Papa kung hindi namin mahalin ang Darling nya!" Humalakhak sya matapos magkwento.


Hindi ko pa naman nakakaharap ang parents nila pero sa kwento ni Jona ay parang nakikita ko na masaya ang kanilang pamilya. Ilan kaya sila magkapatid? Siguro silang dalawa lang ni Jury. Kasi wala namang nababanggit na ibang sibling si Jona.


Speaking of Jury... i suddenly smiled at the thought of him. Kanina pag-alis namin nag-insist pa sya na sya na daw ang maghahatid sa amin pero hindi pinaunlakan ni Jona. Sinabi ng huli na asikasuhin nalang ang na-pending na trabaho sa laptop nito baka kasi magwawala na ang kanilang Papa.


Napansin ko pa ang huling pagtitig nya sa akin bago isinara ni Manong ang pintuan ng SUV. Napapitlag ako nang bigla akong yakapin ni Jona mula sa aking likuran.


"Misa na miss kita, Ate!" Ihinilig nya sa aking balikat ang kanyang ulo.

Gaano ba kami kalapit sa isat-isa ni Jona noon at ganito sya kalambing sa akin ngayon? Pakiramdam ko ngayon lang nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang kalinga ng isang pamilya.

Oo nga at nariyan si Tita Bernadette sa lahat ng oras pero hindi ko mahanap sa kanya ang ganitong kapanatagan sa aking kalooban. Hindi ko alam kung bakit?


Nasa ganoon kaming posisyon ni Jona nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon ang isang babae na nakaputing uniporme na kapwa namin hindi kilala.

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon