Maaliwalas na mukha ni Tita Bernadette ang sumalubong sa amin sa may dining area. Gumuhit kaagad sa kanyang labi ang magandang ngiti nang mabungaran nya kaming papasok ni Jona.
"How are you feeling? Nakapagpahinga ka ba ng maayos, Sandy?" Malambing nyang tanong sa akin.
Lumunok muna ako ng mariin bago sumagot.
"Opo,Tita..." Pilit akong ngumiti bago lumapit sa upuan na hinila ni Jona para sa akin.
Pinaglipat nya ang makahulugang tingin sa amin ni Jona bago lumampas sa aming likod ang kanyang paningin. Hindi na ako lumingon dahil hagikhik pa lamang ni Melanie ay alam kong sila yung papasok sa may pintuan na kasunod lang pala namin ni Jona.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang naupo. Pero nagulat ako dahil kung gaano ako kaingat na naupo sa dining chair na nakatalaga sa akin ay ganoon naman karahas ang pagbagsak ng upo ni Jona sa aking tabi.
Wala sa sarili ko syang binalingan, nagtataka sa kanyang ikinikilos. Napansin kong nakanguso sya habang pinapasadahan ng tingin ang mga pagkain na nakahilera sa ibabaw ng dining table.
"Sandy, try this crab... masarap ang luto ni Manang, I'm sure magugustuhan mo ito." Hindi pa nga nakakaupo ay iyon kaagad ang pinambungad ni Melanie sa akin.
Tatango na sana ako pero muling natigilan nang biglang magsalita si Jona.
"At kailan pa natutong kumain ng crab si Ate Sandy?"
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkakagulat na rumehistro sa magandang mukha ni Melanie. Tumikhim si Tita Bernadette para maibsan ang tensyon.
"Melanie.. darling... mukhang nakalimutan mo naman yata na may allergy si Sandy sa crab? Next time mag-ingat ka sa mga pagkain na ihahain dito. Sabagay, matagal naman din kayong hindi nakakasabay sa pagkain ni Sandy." Malambing nitong saad sabay ngiti.
"Sorry po Ma, I'm sorry too Sandy.. nakalimutan ko talaga." Hingi ni Melanie ng paumanhin.
Marahan akong ngumiti bago inilipat sa lalaking kaharap ang paningin. Pero muntik na akong mabilaukan kahit hindi pa naman ako nagsimulang kumain nang mapansin ko ang mariin nyang pagtitig sa akin. Nanginginig ang aking kamay habang dinampot ang baso ng tubig sa may harap ko at walang pakundangang itinungga iyon.
Bakit ganito ang pakiramdam ko sa lalaking ito? Titig pa lang nya kinakabahan na ako paano pa kaya kung magkalapit kami at magkausap?
Mula sa aking mukha ay bumaling sa aking kamay ang kanyang pagtitig. Naramdaman kong inaanalisa nya ang aking daliri. Kaya naman wala sa sariling inilapag kong muli ang hawak na baso bago palihim na ipinatong sa kandunangan ang magkabila kong kamay.
Bakit ba ako nininerbiyos sa lalaking ito? Ganoon ba sya kagalit dahil sa naistorbo ko sya kanina? Hindi ko naman kasi alam na may tao doon. Naengganyo lang ako sa tanawin kaya hindi ko sya napansin.
"Ate, anong gagawin mo mamayang hapon?" Nagulantang pa ako sa tanong ni Jona sa akin.
"Ah, ewan...wala naman siguro." Napakamot ako sa noo dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto kong gawin.
Biglang umaliwalas ang mukha ni Jona bago ibinigay sa akin ang buong atensyon.
"Kung ganoon sumama ka sa akin, magbonding tayo. You know...i miss you so much!"
Bahagya akong napakurap bago sinulyapan si Tita Bernadette. Hindi ako sigurado sa mga disisyon ko. Kahit gusto kong sumama paano pala kung ayaw nya?
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...