Siguro isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako inanyaya ni Tita Bernadette na sumama sa kanila kanina. Higit kanino man alam kong sya ang nakakaintindi sa magiging sitwasyon ko.
Hanggang sa tinalikuran na ako ng Mama ni Jona ay hindi ko man lang naibuka ang aking bibig para magsalita. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng mesa habang inaantay ang pagbalik ni Jona.
Naisip ko kung saang table kaya nakapwesto sila Tita Bernadette?Siguro hindi nya ako namataan kasi kung nakita nya ako hindi nya ako hahayaang mag-isa dito, diba?
Nilingon ko si Jona at napansin kong abala parin sya sa pag-aasikaso sa mga bagong dating na bisita. Pakiramdam ko tuloy parang pabigat lang ang presensya ko sa party na ito.
Imbes na maupo ay namalayan ko na lamang ang paghakbang ng aking mga paa sa isang madilim na bahagi ng bahay. Nalaman kong balcony pala iyon nang makarating ako sa banda roon. Madilim, tahimik at malayo sa mga bisita,tamang-tama lang ang lugar na ito sa isang katulad ko na parang outsider.
Biglang sumikip ang aking paghinga nang lamunin ako ng dilim pero kinaya ko paring ihakbang ang aking paa hanggang sa makarating ako sa mahabang upuan. Pahingal akong naupo bago tiningala ang malawak na kalangitan. Nagkikislapang mga bituin ang bumungad sa aking pananaw kaya biglang guminhawa ang aking pakiramdam. Nakaramdaman ako ng kapayapaan.
"Hindi ka dapat naririto." Ang banayad at malalim na boses na iyon ay pamilyar sa aking pandinig.
Nadagdagan ang pagkayanig ng hindi pa kumakalmang sistema ko nang marinig ko ang yabag ng kanyang paa patungo sa aking kinauupuan.
"Hindi kasi matanggihan ang kapatid mo." Pilit kong binuo ang aking boses.
"Hindi ka dapat nagtatago dito sa dilim. Ito ang iyong kahinaan, baka nakalimutan mo."
Ipinilig ko ang aking ulo nang muli kong maramdaman ang init na pakiramdam buhat sa concern sa kanyang boses. Hindi ito maaari! Hindi ako pwedeng magpadala sa mga salita nya!
"Pwede bang hayaan mo na ako dito? Layuan mo ako kung maaari? Dahil habang ginagawa mo ito ay mas lalong magagalit sa akin ang mga taong nakapaligid sa'yo!" Unti-unti kong naaaninag ang kanyang mukha nang tuluyan na syang huminto sa aking harapan.
"Pakiusap, magmula ngayon kailangan na nating idistansya ang sarili natin sa isat-isa dahil iyon ang nakabubuti at para na din sa katahimikan ng lahat!" Dagdag kong sabi.
"Hayaan? Layuan? Idistansya? Para ano? Para makalimutan ka? Tatlong taon kang nawala! Hindi pa ba sapat iyon, Cassandra? Kulang pa ba!" Sigaw nya.
Muntik na akong mapaahon mula sa kinauupuan. Sino si Cassandra? Namali ba sya ng taong kinakausap? Napagkamalan ba nya ako?
"Kung paglimot din naman ang iniisip mo eh di sana sa mga panahong wala ka...sa mga panahong nagpakalayo ka...sa mga panahong tiniis mo ako, di sana nakalimutan na kita. Pero Cassandra hindi. Dahil sa bawat araw na lumipas, sa bawat araw na kailangan kong pakiusapan ang sarili ko na hwag ka ng hintayin ay mas lalo lang kita naaalala." Puno ng sakit nyang sabi.
Napalunok ako ng mariin. Pilit iniintindi ang kanyang mga daing. Sa bawat bigkas nya ng mga salitang iyon ay parang gumagapos sa aking dibdib. Sumisiksik sa aking kaloob-looban.
Marahas syang naupo sa aking tabi bago nya hinuli ang magkabila kong kamay.
"Hayaan mo akong lapitan ka. Hayaan mo akong kausapin ka. Baka sakaling ito ang paraan para makalimutan kita. Kahit hindi na magiging tayo...kahit na mahirap ng ibalik sa dati ang lahat....basta hayaan mo lang ako. Kasi Cassandra, ito lang ang paraan para maibsan ang sakit ng nararamdaman ko at ang bigat ng kalooban ko. Ito lang..."
![](https://img.wattpad.com/cover/206580783-288-k296562.jpg)
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...