Twenty-one

1.6K 52 0
                                    

Napaharap ako sa bungad ng pintuan nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan sa labas. Hudyat na nakabalik na si Jona galing sa university na pinapasukan.

Kaagad kong binuksan ang pintuan at inabangan ang kanyang pagpasok. Taas ang kilay at kunot ang noo ang nakita kong ekspresyon sa kanyang mukha nang marating nya ang pintuan at natagpuang nandoon ako nakatayo.


"Oh Brother! Kailan ka pa nagkaroon ng maraming oras na manatili sa bahay? Hindi ba dapat nasa trabaho ka? Ang aga pa, ah!" Bungad nya sa akin.


"We need to talk." Seryoso kong sabi at hindi pinansin ang mga tanong nya para sa akin.

Taas ang kilay nagtagal ang kanyang mata sa aking mukha. Sinusuring mabuti ang seryoso kong hitsura.

Oh, the power of her instinct!

"Magbibihis lang ako." Aniya bago ako nilampasan.


Muli kong tinungo ang sala bago pabagsak na naupo sa sofa. Sandali kong binuksan ang TV habang hinihintay na mapatapos si Jona. Pero napansin kong ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin lumabas mula sa kanyang kwarto si Jona. Nakalimutan nya kaya ang sinabi ko kanina na kailangan naming mag-usap?


Tumayo ako at mabilis na tinungo ang kanyang kwarto. Naubusan na ako ng pasensya sa kahihintay sa kanya mula pa kanina! Malakas kong kinatok ang dahon ng pintuan.


"Jona, i told you we need to talk! It's urgent!" Pahabol ko. Hindi na makapaghintay.

"What is it, Kuya!?" Malakas nyang sigaw mula sa loob.


Marahan kong tinulak ang pintuan at mas lalong nadagdagan ang pagkabadtrip nang makita kong abala sya sa harap ng kanyang laptop. Ni hindi inisip na naghihintay ako sa labas.


Humakbang akong papasok sa kanyang kwarto bago isinara ang pintuan.

"I told you we need to talk." Sabi ko pilit kinakalma ang sarili na hwag magalit.

"Tungkol saan?" Balewala nyang sagot bago isinantabi ang kaharap na laptop at binigay sa akin ang buong atensyon.

Nanatili akong nakatayo habang sya ay nakatingala sa akin at naghihintay ng kung ano ang gusto kong sabihin. Inilipat ko sa laptop ang aking mga mata bago ko iyon ibinalik sa kanya. Alam kong may pinag-aaralan sya doon.


"Nakausap ko si Randy."


Bahagya syang tumayo at gulat na napatitig sa akin. Sa ilang segundong katahimikan bago sya nagsalita at hindi na ako pinatapos sa gusto kong sabihin sa kanya.


"Kuya, let me handle this. Hindi nakabubuti ang involvement mo sa kasong ito. Hindi mo ba naiintindihan? Kaya nga hindi ko sinasabi sa'yo ang tungkol dito dahil nag-iingat ako. Hindi ka pwedeng kumilos dahil maraming mata ang kalaban. Hindi nila ako manamnaman dahil nag-aaral ako. Hindi nila maisip na ibang research na iyong ginagawa ko. Kaya please stay out of this. Ayokong masabotahe ang plano nang dahil lang sa pangingialam mo."


Napakuyom ako sa aking kamao matapos marinig ang mahaba nyang paliwanag. Ni wala pa nga akong nagagawa, pinapahinto na nya ako? What the hell!


"Then, atleast tell me the detail! All of it!" Matigas kong sabi.


"Kuya, matatapos na ito—"


"Jona, i have the right to know! Si Cassandra ang nasasangkot dito!" Putol ko sa kanyang sasabihin pa sana.


"Huh! Kailan ka pa naging interesado sa buhay nya? Samantalang  wala kang ginawa sa loob ng tatlong taon kung hindi ang makisama at magmagandang loob sa mag-iinang hinayupak na yun!"Napaawang ang aking bibig nang isigaw nya iyon sa mukha ko.


When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon