Seven

1.4K 41 1
                                    

Katulad ng karaniwang araw sa mga nagdaang taon. Nagising ako kinabukasan na parang nangangapa sa dilim. Blangko ang isipan at wala na namang naalala sa kung ano ang naganap sa buhay ko kahapon.


Komportable at maaliwalas na kwarto ang namulatan ko. Huminga ako ng malalim matapos tapunan ng tingin ang malaking orasan na nakadikit sa kulay skyblue na dingding ng aking silid.


The clock says it's already  8 o'clock in the morning.


Bumangon ako at nag-stretch ng katawan bago tuluyang bumaba mula sa kama. Tinungo ko ang malaking closet para maghanap ng pamalit sa suot kong pantulog ngayon.


Una kong binuksan ang drawer at napansin kong mga under garment ang nakahilera doon. Kumuha ako ng isang  pares na bikini pero bago ko pa mapulot ang napiling kulay ay nakuha ng aking atensyon ang isang maliit na papel na nakadikit sa gilid ng drawer.

Mabilis kong tinanggal iyon at pinasadahan ng basa. 'Hindi ako iinom ng gamot.' Iyon ang nakasulat sa sticky note na hawak ko ngayon.


Napakagat ako sa aking labi habang nag-iisip kung bakit ko isinulat ito. Pero dahil wala naman akong maalala, kaagad ko iyon pinunit ng pinong-pino bago itinapon sa trash-bin.


Pagkatapos maihanda ang damit na maisusuot ko sa araw na ito ay saka pa ako pumasok sa loob ng banyo para maligo.


Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ng sarili ay saka ko pa hinakbang ang malaking bintana sa aking kwarto. Hinawi ko ang kurtina na nakatabing doon bago ko dinungaw ang tanawin sa labas.


From here ay malaya kong sinuyod ng paningin ang malawak na hardin. Nahinto ang aking tingin sa may gitna na kung saan naroroon ang fountain na napapalibutan ng nagagandahang cultivated flower. Nakadagdag sa ganda  nito ang mababang fence na hindi ako sigurado kung bakit bigla nalang umalpas ang tuwa sa aking dibdib nang mapansin ko ang kulay ng naturang fence.


Lumipat ang aking mata sa isang matangkad na lalaki na pakiwari ko ay kararating lamang. Tuloy-tuloy ang kanyang paghakbang patungo sa kinaroroonan ng fountain. Pagdating doon ay marahan syang yumuko para ayusin yung bulaklak na nawala sa linya.


Nagtagal ang titig ko sa kanya at habang ginagawa ko iyon ay hindi ko namalayan ang pagsalakay ng kakaibang kaba mula sa aking dibdib. Napahawak ako sa aking dibdib nang hindi ko inaasahan ang kanyang pagtingala. Ako lang ba? O, talagang nakatingin sya dito sa banda ng silid ko?


Huminga ako ng malalim bago nagdisisyon para lumabas na ng silid. Namangha ako nang bumungad sa akin ang ganda at lawak ng bulwagan ng bahay.

Napansin ko kaagad ang pagkakataranta ng mga naka-unipormeng kasambahay na abala sa paglilinis nang makita nila akong pababa sa hagdan.


"Divina, pababa na si Miss Sandy."Narinig kong sabi nung isa.


Bago pa ako umabot sa panghuling baitang ng hagdan ay namataan ko na ang isang kasambahay na nag-aabang sa akin. Marahil sya iyong si Divina na narinig kong tinawag ng kasamahan nya.


"Miss Sandy, nakahanda na po ang inyong almusal sa may dining area." Magalang nyang bungad sa akin.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa paghakbang.


When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon