Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising na lamang ako nang marinig ang matinis na boses na patakbo sa loob ng aking kwarto.
"Oh my God, Ate!"
Tuluyan na akong napabangon nang mamulatan ang isang magandang babae na excited na lumapit sa aking kama at pabagsak na naupo doon.
Hindi man ako sigurado kung sino ang babaeng ito pero nasisiguro kong malapit sya sa puso ko. Sinubukan kong ngumiti lalo pa at mabilis nyang hinawakan ang aking mga kamay.
"Sabi ni Tita Bernadette nasanay ka na daw sa pangalang Sandy kaya Sandy ang itatawag ko sa'yo.." nakanguso nitong sabi.
"Gusto kong magtampo pero hwag na nga lang ang importante nandito ka na ngayon. Sandy or whatever your name is okay lang sa akin. Kung iyon ang pagbabago mo sa loob ng tatlong taon.. its fine for me, basta ba ikaw parin ang nag-iisang Ate ko."
Ate? Kapatid ko kaya sya?
"Magkapatid tayo?" Wala sa loob kong tanong.
Biglang naglaho ang aking ngiti nang bigla syang mapahalakhak ng malakas na tawa. Hindi ko alam na nakakatawa pala yung tanong ko.
"Ate, you kidding me! Si Jona ito kapatid ni Kuya Jury. How i wish na magiging Ate nga kita. Oh, nagkita na ba kayo ni Kuya? Anong reaksyon nya?" Mahina nya akong hinampas sa aking balikat habang napapahagikhik.
Pakiramdam ko sasabog yung utak ko sa lahat ng mga pinagsasabi nya. Yung mga kwento nya na hindi ko naman naaalala. At kahit nga sya ay hindi ko kilala. Salamat at sinabi nya kaagad ang kanyang pangalan. Sya si Jona.
Dahil walang masagot ay naisipan ko na lamang na umiling bilang sagot sa tanong nya.
"Bakit naman ang tahimik mo? Ang laki na ng pinagbago mo pero infairness mas lalo kang gumanda!" Mariin nya akong tinitigan habang nagniningning ang kanyang mga mata. I find it cute kaya kinomento ko rin sya.
"Ikaw din, napakaganda mo..." muli akong ngumiti.
Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kapanatagan. Yung pakiramdam na walang pag-aalinlangan? Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ang gaan-gaan ng kalooban ko sa kanya. Siguro mayroon kaming pinagsamahan dati?
"Mag-ayos ka na at bababa na tayo. Nakahanda na daw yung pananghalian." Pag-iiba nya sa usapan.
Tanghali na pala. Ang bilis lang ng oras na lumipas.. pero bakit ang memorya ko ay kay bagal makasagap ng alaala?
"Sige, kung ganoon." Sang-ayon ko sa kanya.
Naantala ang aking paghakbang pababa sa hagdan nang matanaw ko mula sa taas kung sino ang lalaking nakatayo sa gitna ng malawak na sala. Ganoon ba kabait si Tita Bernadette at nagagawa nyang papasukin sa loob ng bahay ang mga worker dito?
"Kuya!" Sigaw ni Jona na nauna ng bumaba.
Bigla akong nataranta nang marahang lumingon yung lalaki sa kinaroroonan namin. Muntik na akong mahulog nang mapansin kong dumeretso sa akin ang kanyang paningin. Saglit na nagtama ang aming mga mata at ganoon parin ang naaninag ko mula sa sulok ng kanyang mga mata. Katulad kanina. Tingin na may kasamang panunumbat.
Napalunok ako ng mariin bago ipinagpatuloy ang pagbaba mula sa hagdan. Pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga dahil sa sobrang lakas ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Sa totoo lang ngayon lang nangyari sa akin ang ganito. Ang makaramdam ng matinding kaba dahil lamang sa presensya ng isang lalaki.
"Kuya, natapos mo na bang pinturahan lahat yung fence sa may fountain?" Narinig kong tanong ni Jona sa kanya nang tuluyan na akong makababa.
Marahan akong lumapit sa kanilang kinatatayuan habang inaantay ko din ang kanyang isasagot kay Jona. Hindi ko maintindihan kung bakit curious akong marinig ang kanyang boses. Pero nalaglag ang aking balikat nang mapansin ko na tanging marahang pagtango lamang ang kanyang tugon sa kapatid.
Teka.. kapatid- ah! Sya ba yung tinutukoy ni Jona na Kuya nito kanina? Ano nga ba yung binanggit nyang pangalan nito?
"I'm sure Ate Sandy will love that. You know favorite color nya ang pinangkulay mo." Hagikhik ni Jona.
Ako ba ang tinutukoy nya? So, ang ibig sabihin nito ay sky blue nga talaga ang paborito kong kulay. Napangiti ako sa kaalamang iyon. Salamat at nalaman ko kung anong paboritong kulay na mayroon ako.
Unti-unting nabura ang pagkakapuskil ng magandang ngiti sa aking labi nang sa pagtingala ko'y kunot-noo ang natunghayan ko sa kanyang hitsura.
"Tss... Sandy- whatever..." he murmured na syang ikinasikip ng aking dibdib.
Ganoon ba kapangit ang pangalan ko sa kanyang pandinig?
"Jury!" Matinis na tawag ng isang babae habang mabilis ang hakbang patungo sa aming kinatatayuan.
Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating. Kilala ko yung babae, sya si Melanie ang anak ni Tita Bernadette. Kung paano ko naging Tita si Tita Bernadette ay hindi ko alam. Wala naman akong lakas ng loob para alamin pa iyon.
Napanguso ako sa hindi malamang dahilan nang mapansin kong kaagad nyang ikinapit ang magkabilang kamay sa braso ng seryosong lalaki na ngayon ay kaharap ko.
"Nagluto ka, Ate?" Taas kilay na tanong ni Jona sa kanya.
"Tumulong lang ng kaunti sa kusina, syempre dito kasi mananghalian ang boyfriend ko." Malambing nitong sagot bago ibinaling sa akin ang paningin.
Napatanga ako doon at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago nya ako kinumusta.
"Hi, Sandy! Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"
Napalunok ako ng mariin pakiramdam ko kasi ay biglang natuyo ang aking lalamunan lalo pa at napansin ko ang mariing pagtitig sa akin ng lalaki na tinawag nitong Jury kanina. Parang tinitimbang nya kung ano ang lumalaro sa aking isipan,o, kung ano ang magiging reaksyon ko?
"Yeah! Nakatulog ako kanina." Honest kong sagot.
Napakislot ako nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Jona sa aking baywang sabay irap kay Melanie.
"Ate, tuloy na tayo sa dining area." Hindi pa nga ako nakakasagot ay iginiya na nya ako palabas ng living room.
Naguguluhan man sa kanyang inasta pero nagpatianod nalang ako sa kanyang hila sa aking braso.
***
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...